Orientation at MOA Signing ukol sa YSPOF, Isinagawa

Fri, 03/31/2023 - 16:49

Orientation at MOA Signing ukol sa YSPOF, Isinagawa

Moa Signing OJT 2023

 

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Isinagawa ng DA-Agricultural Training Institute Regional Training Center CALABARZON (DA-ATI CALABARZON) ang tungkol sa Youth Scholarship Program on Organic Farming (YSPOF) noong ika-30 ng Marso, 2023 sa 4-H Hub, DA- ATI CALABARZON Compound, Trece Martires City, Cavite. 

Ito ay kaugnay sa pagpapatupad ng nasabing programa na nagsimula ngayong Marso 30-Disyembre 2023 para sa unang bahagi at Enero-Disyembre 2024 para naman sa ikalawang bahagi.  Nilalayon ng programang ito na ma-develop ang adhikain ng mga kabataan patungkol sa organikong pagsasaka gayundin ay ma-adopt nila ito at maging pangunahing pagkakakitaan ng mga trainees sa mga susunod na panahon. 

Moa Signing OJT 2023 01

 

Samantala, isinagawa din ang paglagda sa kasunduan (Memorandum of Agreement) na pinangunahan ni Center Director Dr. Rolando V. Maningas sa pagitan ng DA-ATI at labing-isang (11) trainees at limang (5) Farm-Partners. 

Ang mga trainees na lumagda sa kasunduan ay ang mga sumusunod: 

  • Matthew Profeta, Tanza, Cavite
  • Michael Medenilla, Sta. Maria, Laguna
  • Jefferson Planillo, Mabitac, Laguna
  • Jigi Tasarra, Tanay, Rizal
  • Rey Anthony Lamac, Padre Burgos, Quezon
  • Franz Victor Mendoza, Pangil, Laguna
  • Marcelino Jalosjos, Calamba City
  • Romark Glen Navarro, Calamba City
  • Mr. Jerome Francisco, San Pablo City
  • Mr. Christian Fernandez, San Pablo City
  • Mr. Francis Cuento, Nagcarlan, Laguna

Ang mga farm-partners naman na kasali sa programa ay apat (4) na Learning Sites for Agriculture (LSA) at isang national Extension Service Provider ng DA-ATI:

  • Luntiang Republika Eco Farms, Alfonso, Cavite
  • Sweet Nature Farms, Sta. Maria, Laguna
  • Costales Nature Farms, Majayjay, Laguna
  • Mariwska Integrated Farm, Antipolo City, Rizal 
  • Yumi’s Farm, Tayabas City, Quezon
Moa Signing OJT 2023 02

 

Nagkaroon din ng “meet and greet” ang mga kalahok, farm-partners kasama ang mga magulang at mga kaibigan ng mga kalahok. 

Nagpahayag ng suporta ang Department of Agriculture – Regional Field Office IV-A sa pamamagitan ng ipinaabot na mensahe ni Regional OA Focal Person, Bb. Eda Dimapilis sa katauhan ni G. Arnaldo P. Gonzales, Regional Alternate Focal Person ng nasabing tanggapan. 

Nagpasalamat naman si G. Franz Victor Mendoza mula sa Pangil, Laguna na kumatawan sa hanay ng trainees/kalahok. Aniya, gagawin nila ang lahat na makakaya upang matupad ang layunin ng programa.  Si G. Eduardo B. Cleofe mula naman sa hanay ng mga Farm-Partners ay nagpahayag din ng suporta para sa tagumpay ng programang ito para sa mga kabataan. 

Sinaksihan din ng mga kinatawan mula sa mga Local Government Units ang nasabing gawain. 

Ulat ni: Bb. Soledad Leal

 

article-seo
bad