DA- Agricultural Training Institute CALABARZON at CVSU Brite Center Nagsanay ng Dalawamput Isang Tekniko sa Paghahayupan Ukol sa Pangangalaga at Pagkonserba ng mga Bubuyog.

Thu, 08/31/2023 - 09:37
PANGANGALAGA AT PAGKONSERBA NG MGA BUBUYOG

 

TRECE MARTIRES CITY, CAVITE- Sa pagtutulangan ng DA- Agricultural Training Institute CALABARZON at ng Cavite State University- Bee Research, Innovation, Trade , and Extension( CVSU BRITE) Center matagumpay na nagsipagtapos ang dalawampung tekniko sa paghahayupan ukol sa tamang panganagalaga at pangkonserba ng bubuyog.

Sa loob ng tatlong araw na pagsasanay tinalakay ng mga ekspertong sina Dir. Michele T. Bono at Dr. Dickson N. Dimero  mula saCVSU BRITE Center ang mga paksa ukol sa tamang pangangalaga , pagpapadami at pakonserba ng iba’t-ibang uri ng bubuyog na mayroon sa Pilipinas. Sa ikalawang araw nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na mabisita ang CVSU bRITE Center Bee Techno Demo Farm kung saan nagsagawa ng Hands-on activity sa pagbubukas ng hive ng stingless bees.

Sa pagtatapos ng programa,bilang kinatawan ni Dr. Rolando V. Maningas, Center Director, DA-ATI CALABARZON, nagbigay ng mensahe ng pasalamat at pagpupugay para sa mga naging tagapagtalakay at kalahok si G. Sherylou C. Alfaro, OIC, TCSI/ Assistant Center Director ipinahayag din niya na “ We look forward for more partnerships and tapping our SUCs for innovative trainings to set a standard protocol for all the capability trainings na ibababa namin sa ating rehiyon, Hanga’t may DA-ATI asahan po ninyong kayo pong mga AEWs ay may masasandalan”. Nagpahatid din ng pasasalamat si Dir. Michele T. Bono, Director ng CVSU BRITE Center dahil sa pagkakataon na maging katuwang ng DA-ATI sa pagsasanay, siya ay umaasa na di sa pagsasanay na ito matatapos ang ugnayan bagkos magkaroon pa ng isang matatag ng extension program kapreha ang institutsyon.

Ang pagsasanay ay ginanap noon ika-29 ng August hangang ika -31 ng Agosto taong kasalukuyan sa Sentrong oansanayan ng DA-ATI CALBARZON, Lungsod ng Trece Martires , Lalawigan ng Kabite.

 Ulat ni: Marian Lovella A. Parot

article-seo
bad