Paggamit ng digital tools sa pagpapalay, pinaigting sa pagsasanay ng ATI

Sun, 06/30/2024 - 17:27
Paggamit ng digital tools.jpg

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Sa loob ng tatlong araw, dumaan sa pagsasanay ang tatlumpung (30) mga Magsasaka Siyentista (MS) at Learning Site for Agriculture (LSA) I sa paggamit ng applications tulad ng Rice Crop Manager Advisory Service (RCMAS), Binhing Palay, at Rice Doctor, mula Hunyo 25-26, 2024. 

Layon ng “The Future of Rice: Training on Digital Tools for Rice Production” na mapaigting ang paggamit ng digital tools sa produksyon ng palay sa pamamagitan ng pagpapahusay sa kaalaman at kasanayan ng mga kalahok.

Sa ikatlong araw, binigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na makita ang paggamit ng drone sa paglalagay ng pataba sa palayan, kabilang ang mga benepisyo nito, partikular ang mabilis na pagsasabog ng pataba at wastong dami na inilalagay sa palayan. 

Sa pagtatapos ng programa, nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta sa mga kalahok si Asst. Center Director Sherylou C. Alfaro at kanyang hinikayat ang mga ito na gamitin ang digital tools sa kanilang pag-uwi at ipalaganap ito sa kanilang komunidad. 

Pinangangasiwaan ang pagsasanay ng Information Services Section (ISS) at Partnerships and Accreditation Section (PAS) ng ATI CALABARZON.

Ulat ni: Janine L. Cailo
 

article-seo
bad