Paglalahad ng Business Plan ng mga Interns sa ilalim ng YSPOF, Isinagawa

Thu, 10/19/2023 - 13:03
Paglalahad ng Business Plan ng mga Interns sa ilalim ng YSPOF, Isinagawa

TRECE MARTIRES CITY, Cavite-  Isinagawa ng DA-Agricultural Training Institute Regional Training Center CALABARZON (DA-ATI CALABARZON) ang inisyatibo na pinamagatang Unveiling the Path: Embracing Roles and Goals Through Benchmarking and Defense of Interns’ Business Proposal sa ilalim ng Youth Scholarship Program on Organic Farming.  Ito ay isinagawa noong ika-10 hanggang ika-12 ng Oktubre, 2023 sa Luntiang Republika Eco Farms, Alfonso, Cavite at 4-H Hub, DA- ATI CALABARZON Compound,  Trece Martires City, Cavite.   Nilayon ng gawaing ito na madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga intern sa iba’t ibang teknolohiya ng Luntiang Republika Eco Farms, lubos na maunawaan ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng program at sa huli ay mailahad ang kanilang mga Business Plan sa taong 2024.   

Dumalo sa nasabing gawain ang labing-isang (11) trainees at limang (5) Farm-Partners.   Sa unang araw ay nagtungo ang grupo sa Luntiang Reepublika Eco Farms at ibinahagi ng kanilang Farm Manager ang mga practices na kanilang isanagawa sa nasabing farm.  Sa ikalawang araw ay pinangunahan naman ni Gng. Alicia G. Valdoria, mentor mula sa Yumi’s Farms ang Deepening Understanding on the Roles and Goals of the Program. 

Sa ikatlong araw ng gawain ay isinagawa naman ang paglalahad ng business plan ng interns na kanilang pinanday nito mula pa noong simula ng internship program sa paggabay ng kanilang mentors.

Pinangunahan ni OIC-Assistant Center Director, Bb. Sherylou C. Alfaro kasama sina G. Brian A. Belen mula sa Marelson’s Farms, Subject Matter Specialist; Bb. Eda F. Dimapilis, Regional OA Focal Person mula sa DA-Regional Field Office IV-A, OIC- PAS Chief; Bb. Janine L. Cailo; at Bb.  Vira Elyssa L. Jamolin, Chief ng CDMS.  Nagbigay ng rekomendasyon ang mga nasabing panelists na nakatuon upang masigurado ang tagumpay ng isasagawang proyekto ng mga interns. 

Paglalahad ng Business Plan ng mga Interns sa ilalim ng YSPOF, Isinagawa 01

Samantala, nagpahayag naman ng buong suporta si Center Director/Training Center Superintendent II Dr. Rolando V. Maningas sa interns at mentors. Natutuwa din siya sa naging progress ng mga intern sa paggabay ng kanilang mentors.

Ulat ni: Soledad Leal

 

article-seo
bad