Pangalawang Pangkat ng Pagsasanay sa Pangangalaga at Pagpapadami ng Katutubong Baboy Para sa Magniniyog, Isinagawa

Mon, 07/31/2023 - 10:52
Pangalawang Pangkat ng Pagsasanay sa Pangangalaga at Pagpapadami ng Katutubong Baboy Para sa Magniniyog, Isinagawa

 

Isinagawa ang tatlong pangkat ng “Farmer-level Training on Native Pig Production” sa bayan ng Sariaya at San Andres, Quezon at General Emilio Aguinaldo, Cavite ngayong buwan ng Hulyo 2023.

Sa loob ng tatlong araw na pagsasanay, ibinahagi ng mga tagapasalita ang tamang pamamaraan sa pagpapalaki at pagpaparami ng katutubong baboy. Ang nasabing pagsasanay ay parte ng paghahandang ginagawa sa ipamimigay na mga katutubong baboy sa clustered farmers association, mula sa pondo ng Coconut Farmers Industry Development Program.

Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat ang mga kinatawan ng tatlong Pambayang Agrikultor na sina Bb. Marisa L. Pestanas (Sariaya, Quezon) at Bb. Agnes Caagbay (San Andres, Quezon) at si Bb. Andrea Dimapilis (GEA, Cavite) para sa programang naibigay sa kanilang bayan. Isang mensahe din ng pagbati at paghamon ang ipinahatid ni Dr. Rolando V. Maningas para sa mga nagsipagtapos sa pagsasanay at para sa dalawang bayan na tumanggap na pagsasanay.

Sa ikatlong araw at pagtatapos ng pagsasanay, nagbahagi ang isa sa mga kalahok ng kanyang mga natutunan at kanyang mga plano sa hinaharap. “Nais ko pong ipaabot ang aking pasasalamat na kami ay nabigyan ng pagkakataon na makapagsanay tulad ng paggawa ng longganisa na pwedeng makatulong sa amin upang madagdagan ang aming kaalaman at upang maging dagdag sa aming kabuhayan. Nadagdagan din po ang aming kaalaman tungkol sa pag-aalaga ng native na baboy. Sa kabuuan po ng aming pagsasanay, marami po kaming natutunan na makapag-papabuti sa aming buhay sa kabukiran. Isang mainit na pasasalamat sa lugar at masasarap na pagkain na inihain sa amin sa loob ng tatlong araw. Na-enjoy po naming ang aming pagsasanay. Salamat po.” – Bb. Marilyn Obon, Coconut Farmer, Sariaya, Quezon

Pinangasiwaan ng mga nagtapos sa “Regional Training of Trainers on Native Pig Production” noong Abril ang nabangit na pagsasanay.

Ulat ni: Marian Lovella Parot “Nais ko pong ipaabot ang aking pasasalamat na kami ay nabigyan ng pagkakataon na makapagsanay tulad ng paggawa ng longganisa na pwedeng makatulong sa amin upang madagdagan ang aming kaalaman at upang maging dagdag sa aming kabuhayan. Nadagdagan din po ang aming kaalaman tungkol sa pagaalaga ng native na baboy. Sa kabuuan po ng aming pagsasanay, marami po kaming natutunan na makapagpapabuti sa aming buhay sa kabukiran . Isang mainit na pasasalamat sa lugar at masasarap na pagkain na inihain sa amin sa loob ng tatlong araw. Naenjoy po naming ang aming pagsasanay. Salamat po.” – Bb. Marilyn Obon, Coconut Farmer, Sariaya, Quezon

article-seo
bad