Pagsasanay sa Hydroponics, Ibinahagi sa mga Senior Citizen

Thu, 07/06/2023 - 15:18
Pagsasanay sa Hydroponics, Ibinahagi sa mga Senior Citizen

TAYABAS CITY, Quezon – Matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON sa pakikipagtulungan sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Quezon ang "Agri-wellness Seminar on Basic Hydroponics for Elderly Sector” noong ika-23 ng Hunyo 2023, sa Leveriza Heights Subdivision, Brgy. Isabang, Tayabas City, Quezon. Layunin ng aktibidad ang maibahagi sa mga kalahok ang kaalaman patungkol sa basic hydroponics na hindi nangangailangan ng malaking espasyo.

Sa pagbubukas, malugod na tinanggap ni G. Evener Arguelles, Agriculturist II, ang mga kalahok. Nagsilbing tagapagsanay si Bb. Leuvina Isipin mula sa OPA Quezon. Tinalakay niya ang iba’t ibang mga paksa ukol sa hydroponics tulad ng mga kapakinabangan, pagsasagawa, paraan ng paggamit at iba’t ibang uri nito.

Sa pagsasara ng programa, nagpahayag ng impresyon si Gng. Librada Alvasan, isa sa mga kalahok sa nasabing aktibidad, “Sana maulit muli ang ganitong aktibidad. Bukod sa nabusog ang tiyan, isipan at sumaya, mahalaga sa amin na binibigyan ng pansin kaming mga senior citizen”. Samantala, nakatanggap din ng hydroponic starter kit ang bawat kalahok na magagamit nila bilang pagsisimula ng kanilang pagtatanim.

Ang pagsasanay ay pinadaloy ng Planning Monitoring and Evaluation Unit (PMEU) ng DA-ATI CALABARZON.

Ulat ni: Juvelyn V. Dela Cruz

 

article-seo
bad