Isinagawa ang unang dalawang pangkat ng “Farmer-Level Training on Native Pig Production noong ika-10 hanggang ika-12 ng Hulyo 2023 para sa bayan ng Cavinti, Laguna at ika-12 Hulyo hanggang ika-14 ng Hulyo 2023 sa bayan ng Dolores, Quezon. Dalawamput limang (25) magniniyog sa bawat bayan ang nagsipagtapos sa loob ng tatlong araw na pagsasanay.
Sa loob ng tatlong araw na pagsasanay ibinahagi ng mga tagapasalita ang tamang pamamaraan sa pagpapalaki at pagpaparami ng katutubong baboy. Ang nasabing pagsasanay ay bilang paghahanda sa ipamimigay na mga katutubong baboy sa clustered farmers association, na nagmula sa Coconut Farmers Industry Development Program.
Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat ang dalawang Pambayang Agrikultor na sina Bb. Vina Orolfo Cavinti, Laguna at G. Eldrin Rubico ng Dolores, Quezon para sa mga programang naipagkaloob sa kanilang bayan. Isang mensahe din ng pagbati at paghamon ang ipinahatid ni Dr. Rolando V. Maningas para sa mga nagsipagtapos sa pagsasanay.
Pinangasiwaan ng mga nagtapos sa Regional Training of Trainers on Native Pig Production noong Abril ang nabangit na pagsasanay.