30 LFTs sa pagpapalay, sinanay ukol sa product stewardship at GAP

Tue, 04/08/2025 - 14:04
product stewardship at GAP.jpg

 

NAGCARLAN, Laguna — Upang mapataas ang kalidad at bigyan ng halaga ang kaligtasan sa tamang pagtatanim ng palay, sinanay ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ang 30 Local Farmer Technicians (LFTs) mula sa rehiyon ukol sa ligtas at responsableng paggamit ng mga produkto para sa proteksyon ng pananim at mga pamantayan sa pagtatanim.

Katuwang ang DA CALABARZON at Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) IV, ginanap ang

Advancing Knowledge on Product Stewardship and Good Agricultural Practices (GAP) for Rice sa Gintong Bukid Farm and Leisure noong Marso 31-Abril 4, 2025.

“Sa training na ito, nalaman po natin ang iba’t ibang klase ng lason (pesticide) at kung paano sila gamitin nang ligtas. Sa Good Agricultural Practices, nalaman po natin kung paano ipatupad ang pagpo-produce ng GAP-certified crops na ipapakain natin hindi lamang sa ating sariling pamilya kundi sa sambayanang Pilipino. Ito pong aking mga natutunan ay aking babaunin upang aking maibahagi sa kapwa ko farmer, para sa ikaliligtas at ikalulusog ng ating sambayanan,” pagbabahagi ni kay G. Rodel Malinay, tekniko mula sa Lian, Batangas.

Ang pagsasanay ay isang refresher course para sa mga Local Farmer Technicians (LFTs) sa CALABARZON, kung saan nagsilbing tagapagsanay sina Bb. Sierralyn Sandoval at Bb. Pamela Perez mula sa DA CALABARZON, at Bb. Suzettie Alcaide mula sa FPA IV.

Pinaunlakan naman ni Center Director Dr. Rolando V. Maningas ng DA-ATI CALABARZON ang pagtatapos ng pagsasanay at nagbigay ng pangwakas na mensahe sa mga kalahok.

Ulat ni Jannah I. Sarvida

 

article-seo
bad