Regional Farm Youth Camp 2023 – 4HEVOLVE: “Expanding the Value of Leadership and Volunteerism over 70 Years of 4-H Excellence”

Mon, 07/03/2023 - 18:25
Regional Farm Youth Camp 2023

 

NAGCARLAN, Laguna - Aktibong nakilahok ang walumpung (80) kabataang miyembro at opisiyal ng 4-H Club ng rehiyon CALABARZON sa Regional Farm Youth Camp na ginanap noong ika-27 hanggang ika-29 ng Hunyo taong kasalukuyan sa Gintong Bukid Farm & Leisure, Nagcarlan, Laguna. Layunin ng aktibidad na pagbutihin ang kaalaman ng mga delegado sa iba’t ibang paksa sa modernasyon ng agrikultura, teknolohiyang pang-urban at peri-urban, at ipamalas ang iba’t ibang kakayahan at talento ng mga 4H-er ng CALABARZON.

Bilang pagsuporta sa mga kabataang 4H-er ng rehiyon, malugod na tinanggap at nagbigay ng pagbati sa mga delegado ang dating Mayor ng Nagcarlan at kasalukuyang may-ari ng Gintong Bukid Farm & Leisure na si Gng. Lourdes J. Arcacetas.

Bilang parte ng pagbubukas ng programa, dumalo din bilang mga partner at kinatawan sina Gng. Corazon Calabia, Provincial Youth Coordinator at kinatawan ng Provincial Agriculturist; G. Avi Mark Puntanar, isa sa mga nagtapos na Filipino Young Farmer Intern in Taiwan; G. Clemente Gabion, VLAP CALABARZON President at Gng. Susan Detillo, isang 4-H Parent. Ang mga nabanggit na katuwang ng programa ay nirepresenta ang apat na “H” ng 4-H Emblem at ito ay ang mga sumusunod: Head, Heart, Hand, at Health.

Bahagi din ng programa ang mga patimpalak sa Short Film Making, 4H Agri-Innovation Pitching, at Himig Handog Singing and Song Writing. Sa pagsasara ng programa ay ginawaran ng parangal ni DA – ATI CALABARZON Center Director, Dr. Rolando V. Maningas para sa mga nasabing patimpalak ang mga sumusunod: 4-H Club Laguna, 4-H Club Quezon at 4-H Club Batangas.  Ang mga nagwagi ay ang mga magrerepresenta ng rehiyon sa darating na 70th          4-H Club National Convention. 

Narito ang mga opisyal na nagwagi sa tatlong patimpalak:

4-H Agri-Innovation Pitching:

1st Place – Quezon Province

2nd Place – Laguna Province

3rd Place – Cavite Province

4-H Himig Handog “Song Writing and Singing Competition”:

1st Place – Batangas Province

2nd Place – Rizal Province

3rd Place – Cavite Province

Short Film Contest:

1st Place – Laguna Province

2nd Place – Quezon Province

3rd Place – Cavite Province

Ilan sa mga ipinabatid ni Dr. Rolando Maningas sa kanyang pangwakas na mensahe ay, “…Bilang mga kabataan, makakatulong kayo sa pagpapalakas at pagbibigay ng direksyon sa kinabukasan ng sektor ng agrikultura at maging sa pangisdaan.”

Ulat ni: John Mendoza

 

article-seo
bad