Palay-Aralan, Sasahimpapawid ngayong Hulyo 2023

Fri, 06/30/2023 - 14:12
SOA SRA 2023

CALAMBA CITY, Laguna- Sa ikatlong taon, muling inihahandog ng DA-Agricultural Training Institute CALABARZON ang “Palay-Aralan: Makabagong Pagsasaka sa Himpapawid,” katuwang ang Department of Agriculture RFO IV-A, Philippine Rice Research Institute (PhilRice), DA- Adaptation Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) Program – CALABARZON, National Irrigation Administration (NIA) CALABARZON, Philippine Information Agency (PIA) at Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

Mapapakinggan ang programa simula ika-5 ng Hulyo, tuwing Miyerkules at Biyernes sa mga katuwang na radio at sabayang mapapanuod sa Facebook page ng DA-ATI CALABARZON, Philippine Information Agency (PIA) IV-A, at Department of Agriculture RFO IV-A.

Narito ang broadcast schedule ng programa sa mga katuwang na istasyon sa radyo:

RN Laguna 106.3: Wednesday (10:00-11:00AM); Friday (9:00-10:00AM)

RN Gumaca 107.9: Wednesday (10:00-11:00AM); Friday (9:00-10:00AM)

DZJV 1458 Radyo CALABARZON: Wednesday (11:00AM-12:00NN)

Spirit FM Infanta 92.7: Friday (10:30-11:30AM); Saturday (3:00-4:00PM)

Radyo Totoo 95.9 DWAL FM: Tuesday and Thursday (11:00AM-12:00NN)

Samantala, personal na nakapagsama-sama ang mga ahensya, unibersidad, mga tekniko at mga kalahok na magsasaka sa pormal na paglulunsad ng programa noong ika-7 ng Hunyo taong kasalukuyan sa Laguna Provincial Capitol Extension Office, Calamba City, Laguna.

Nagpahayag ng kanilang mga mensahe ng pagsuporta sina Hon. Ramil L. Hernandez, Gobernador ng lalawigan ng Laguna, sa katauhan ni Provincial Agriculturist Marlon P. Tobias; Dr. Noriel M. Angeles, Assistant Branch Director ng DA-PhilRice Los Baños; at Engr. Wilson M. Lopez, Regional Manager ng National Irrigation Administration IV-A. Buo rin ang suporta ng Department of Agriculture Regional Field Office IV-A, na pinagtibay ng pagdalo at pagbibigay mensahe ni PMED Chief, Bb. Maria Ella Cecilia B. Obligado, at Information Section Chief, G. Radel F. Lagas. Nagbigay inspirasyon din si Dir. Remelyn R. Recoter, MNSA CESO III, Director IV ng DA-Agricultural Training Institute sa pamamagitan ng isang mensahe.

Nagkaroon din ng commitment signing ang mga ahensya at kalahok, na naghuhudyat ng kanilang aktibong pakikipagtulungan para sa tagumpay ng programa.

Nagbigay rin ng kanyang pangwakas na mensahe para sa mga katuwang ng programa si Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng DA-ATI CALABARZON, kung saan kanyang binanggit na isa ang programa sa mga paraan para i-angat ang industriya ng pagpapalay sa rehiyon.

Detalye: Bb. Michelle Macalagay

 

article-seo
bad