Sektor ng Pangisdaan, Patuloy na Pinapalakas

Thu, 07/06/2023 - 15:08
Sektor ng Pangisdaan, Patuloy na Pinapalakas

BINANGONAN, Rizal - Bilang bahagi ng paghahanda sa Province-led Agriculture and Fisheries Extension System (PAFES), matagumpay na isinagawa ang "Participatory Agro-Enterprise Development Training-Workshop for the Fisheries Sector of Rizal Province" noong ika-26 hanggang ika-28 ng Hunyo 2023, sa Binangonan Recreation and Conference Center. Layunin ng pagsasanay na ipakilala ang Agro-Entrepreneurship sa sektor ng pangisdaan.

Sa pagbubukas ng programa, pinasinayaan at malugod na tinanggap nina G. Erwin Diestro, Municipal Agriculture Officer ng Binangonan, at Bb. Sherylou C. Alfaro, OIC Assistant Center Director ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON, ang mga kalahok ng pagsasanay. Nakiisa rin si Dr. Reynaldo Bonita, Provincial Agriculturist ng Rizal, sa pagbibigay ng mensahe.

Nagsilbing mga tagapagtalakay sina Bb. Juvelyn Dela Cruz mula sa DA-ATI CALABARZON, Bb. Maria Pilar Pablo mula naman sa Office of the Provincial Agriculturist at G. Leoncio Orca Jr. ng Office of the Provincial Veterinarian ng Rizal.

Sa pagwawakas, nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat at pagbati si DA-ATI CALABARZON Center Director Dr. Rolando V. Maningas. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng aktibidad bilang isang hakbang upang mapalakas pa ang industriya ng pangisdaan sa lalawigan. Naganap ang pagsasanay sa pagtutulungan ng DA-ATI CALABARZON, Office of the Provincial Agriculturist at Office of the Provincial Veterinarian ng Rizal.

Ulat ni: Juvelyn V. Dela Cruz

 

article-seo
bad