Matagumpay na nakumpleto ng mga bagong tagapagsanay sa larangan ng gulayan ang apat na buwang pagsasanay na “Season-long Training of Trainers on Vegetable Production, Postharvest Handling Technologies, and Marketing,” na isinagawa ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON.
Ayon kay Engr. John Mendoza, Training Specialist I, nagtala ng 30 tagapagsanay at 126 na mga magsasaka at kabataan mula sa Cavite ang naging kalahok ng programa ng ahensya. Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pagtatanim ng gulay na nakabatay sa agham at maibahagi ito sa mga magsasaka.
Sa unang yugto ng pagsasanay, tinutukan ng mga kalahok ang mahahalagang paksa tulad ng kalagayan ng industriya ng gulayan, morphology at growth stages ng mga pananim, paghahanda ng lupa, pagtatanim, pamamahala sa mga tanim, integrated nutrient management, Good Agricultural Practices (GAP), integrated pest management, at mga kasanayan sa pagtuturo sapamagitan ng microteaching presentations.
Ang ikalawang yugto ng pagsasanay ay magsisimula mula Mayo 22 hanggang Setyembre 13, 2024, ginugol ng mga kalahok ang kanilang pag-aaral sa pagtatanim ng iba’t ibang pananim sa CALABARZON. Kasama sa gawain sa Phase 2 ang agro-ecosystems analysis (AESA), pagbabago ng klima, integrated farming system, pag-iingat ng rekord ng bukid, produksyon at pamamahala ng grafted seedlings, pag-aani at postharvest handling technologies, mga konsepto ng organic agriculture at paghahanda ng organic concoctions, mga uri ng gulay at produksyon ng binhi, pagproseso, value-adding at marketing, at scientific writing.
Kaalinsabay nito, nagsagawa rin ng 16 na linggong pagsasanay para sa mga magsasaka o Farmers Field School (FFS), kung saan 126 na magsasaka at kabataan mula sa Gen. Trias City, Tanza, at Trece Martires City ang mga naging benepisyaryo.
Sa seremonya ng pagtatapos, nagbigay ng inspirasyon si Engr. Remelyn R. Recoter, MNSA, CESO III, Director IV ng DA-Agricultural Training Institute, sa kanyang mensahe:
"As AEWs and farmer-leaders, you will provide an avenue for farmers to be equipped with knowledge and skills as well in the vegetable value chain. Kayo ang kanilang gabay sa pagtiyak na ang bawat binhi na kanilang itinatanim ay magiging mas produktibo, de-kalidad, at kapaki-pakinabang. Your strengthened capacity to empower others as well will be the key to ensuring that the farmers of our respective localities are taking the road to abundance and improved livelihood."
Ang Center Director ng DA-ATI CALABARZON na si Dr. Rolando V. Maningas ay nagpaabot din ng pagbati at paghanga sa dedikasyon at pagsisikap ng mga kalahok sa buong pagsasanay.
Kilala bilalang Batch Marahuyo, ninais ng mga kalahok na sa kanilang pagtatapos na maging tulay sila upang makapaghikayat sila ng mga magsasaka gayundin ang mga kabataan na yakapin ang mga makabagong teknolohiya sa pagtatanim.
Sa kanilang pagtatapos, ibinahagi ni G. Mico B. Comia, tekniko mula sa Guinayangan, Quezon ang kanyang pasasalamat sa ahensya. “To ATI CALABARZON, thank you for always opening your door and bringing opportunities to us - AEW. This Institution capacitating us in many different ways. It aligns to one of your core values "We give the BEST" Sobra papo sa best ang ibinigay nyo samin ngayong SL-TOT. Natuto kaming paunlarin ang aming kakayanan at hubugin ang aming mga sarili beyond our limits sa gabay ng aming mga magagaling at masisipag na training management team at mentors. Salamat po sa inyong dedikasyon!
Ito ay sinaksihan nina Atty. Ma Jeanette Tolentino, City Administrator ng Trece Martires City; G. Domingo Austria, Municipal Agriculturist ng Tanza; G. Norman Endozo, kinatawan ni Mayor Luis A. Ferrer IV ng Gen. Trias City; G. Glen Alianza, kinatawan ni OIC RED Fidel Libao; mga cooperator mula sa LSA; at mga Municipal at City Agriculturist mula sa mga kalahok na bayan.
Ang mga bagong tagapagsanay ay inaasahang magsasagawa ng Farmers Field School (FFS) sa kanilang komunidad.
Detalye: Engr. John Mendoza