ATIMONAN, Quezon - Marami pa din sa ating mga magsasaka ng palay ang hindi pa bihasa sa paglalagay ng tamang dami ng pataba sa kanilang mga sakahan. Kaya naman, kamakailan lamang ay nagsagawa ang Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON sa pamamagitan ng Information Services Section ng seminar na, “Rice Crop Manager (RCM) Advisory Services Briefing” sa Atimonan, Quezon. May kabuuang dalawampung (20) magpapalay mula sa iba’t ibang barangay sa nasabing bayan ang lumahok sa programa.
Inilahad ni G. Hans Flores, Agriculturist I, ang pangkalahatang ideya ng RCM kung saan ipinaliwanag niya ang gamit nito. Kasama sa aktibidad sina Bb. Keziah Bonggay at G. Edrian Paunil, rice program coordinators, na nakapanayam din ang mga magsasaka sa mga gawi nila sa pagpapalay.
Ang bawat magsasakang lumahok ay nakatanggap ng RCM recommendation para sa kanilang palayan. Layunin ng aktibidad na maibahagi sa mga magsasaka ang kahalagahan ng tamang timing, uri at eksaktong dami ng pataba na ilalagay sa kanilang pananim na palay.
Isinagawa ang briefing noong ika-21 ng Hulyo 2023 sa bayang ito.
Ulat ni G. Hans Flores