𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐠𝐫𝐢𝐩𝐫𝐞𝐧𝐞𝐮𝐫 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧, 𝐤𝐰𝐚𝐥𝐢𝐩𝐢𝐤𝐚𝐝𝐨 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧 𝐬𝐚 𝐉𝐚𝐩𝐚𝐧; 𝐭𝐨𝐩 𝟏 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐫𝐬𝐨

Mon, 04/08/2024 - 17:20
Kabataang Agripreneur

 

Matapos ang isang buwang pagsasanay sa iba’t ibang teknolohiyang pang-agrikultura at sa wikang Nihongo, kwalipikado nang intern para sa programang Young Filipino Farmer Leaders Training Program in Japan (YFFLTPJ) 2024 si Jairo P. Rabano mula Tiaong, Quezon.

Nakamit din ng nasabing intern ang unang pwesto (top 1) sa buong klase ng pre-departure orientation course (PDOC).

Matatandaan namang isa si Rabano sa limang shortlisted na mga aplikante sa rehiyon matapos ang mga pagsusuri at field validation ng Department of Agriculture – Agriculture Training Institute (DA-ATI) CALABARZON.

Nagtapos siya sa kursong Agriculture sa University of the Philippines Los Baños at nag-iisang kinatawan ng CALABARZON para sa YFFLTPJ 2024.

Magpapatuloy si Rabano sa kanilang labing-isang (11) buwan na pagsasanay sa Japan, simula ika-13 ng Abril 2024.

Katuwang ang Japan Agricultural Exchange Council (JAEC), patuloy ang DA-ATI sa pagpapatupad ng nabanggit na programa na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga kabataang magsasaka sa Pilipinas na mapagyaman ang kaalaman at kasanayan sa mga teknolohiyang pang-agrikultura at makabagong sistema ng pagsasaka.

Ulat ni: Roy Roger Victoria II

 

article-seo
bad