Specialist Course sa Coconut Production at Management, Sinimulan na sa CALABARZON

Thu, 03/23/2023 - 08:59

Specialist Course sa Coconut Production at Management, Sinimulan na sa CALABARZON

Specialist Course sa Coconut Production at Management, Sinimulan na sa CALABARZON

 

SAMPALOC, Quezon - Magandang balita para sa mga magsasaka ng niyog dahil isang bagong yugto ng pagsasaka ang nagananap mula ika-6 hanggang ika-16 ng Marso 2022. Sa unang pagkakataon, nagsagawa ng pagsasanay ang Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON, at Philippine Coconut Authority IV na “Specialist Course on Coconut Production and Management” sa D’Farm, Brgy. Caldong sa bayang ito. Sumailalalim sa sampung araw na pagsasanay ang 22 Agricultural Extension Workers (AEWs) mula sa iba’t-ibang bayan ng rehiyon CALABARZON.

Specialist Course sa Coconut Production at Management, Sinimulan na sa CALABARZON 01

Nagsilbing tagapagtalakay ang mga eksperto mula Philippine Coconut Authority, DA-ATI CALABARZON, Bureau of Plant Industry, Cooperative Development Authority, Bureau of Animal Industry at DA Regional Field Office IV-A  sa ilalim ng High Value Crops Development Program. Natutunan nila ang mga rekomendadong hakbang sa pagpili ng tamang binhi, at pag-aalaga ng puno ng niyog. Natuto rin ang mga kalahok ng mga pamamaraan sa pagtatayo ng nursery, mga uri ng pagtatanim at tamang distansya ng niyog. Bahagi din ng kanilang pagsasanay ang kilalanin at alamin ang mga karaniwang sakit at peste ng niyog at mga paraan ng pag-kontrol at pagsugpo nito. Tinalakay din ang tamang pamamaraan ng pagsasalit-tanim ng cacao at kape sa niyog at integrasyon ng katutubong manok, baboy at kambing. Nalaman din nila ang proseso sa pagbuo at pamamalakad ng isang Kooperatiba.

Specialist Course sa Coconut Production at Management, Sinimulan na sa CALABARZON 02

Layunin ng pagsasanay na makalikha ng teknikong espesyalista sa puno ng buhay at magsilbi bilang mga Resource Persons na may kakayahang maghatid ng mga paksa sa iba't ibang hakbang, proseso, at teoryang nauugnay sa coconut value chain.

Ulat ni: Hans Christopher Flores

 

article-seo
bad