Digital Agriculture Course, Handang Yakapin at Palaganapin ng RCEF Farm Schools

Tue, 04/12/2022 - 17:35
Digital Agriculture Course, Handang Yakapin at Palaganapin ng RCEF Farm Schools

Sa ilalim ng One DA reform agenda, ang Digital Agriculture ay isa sa mga pangunahing istratehiya tungo sa modernisado at industriyalisdong agrikultura sa bansa. Bilang tugon sa hamon ng makabagong teknolohiya, isinagawa ng ATI CALABARZON sa pamamagitan ng Information Services Section ang Training of Trainers (TOT) on Digital Agriculture sa ilaliim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) noong ika-5 hanggang ika-7 ng Abril, 2022. May kabuuang dalawampung (20) mga kinatawan ng RCEF farm schools ang nagsipagtapos sa pagsasanay. Ang mga nasabing sakahan ay nagmula sa lalawigan ng Laguna: Golden Leaf Farm, Siniloan; Masaganang Bukid, Nagcarlan; Curioso Integrated Farm, Liliw; Sylvre Agri Farm, Siniloan, Adoress Farm, Mabitac; APA Farms, Majayjay; at ang AFA Farms ng Infanta, Quezon.

Nagbigay ng pambungad na mensahe si Gng. Sherylou C. Alfaro, Chief ng Partnerships and Accreditation Services Section, sa pagbubukas ng programa. Saad niya na ang paggamit ng teknolohiya ay nagdulot ng makabuluhang pagbabago sa buhay. Ipinahayag din niya ang kanyang pag-asa na yakapin ng mga kalahok ang Digital Agriculture Course (DAC) na malaki ang maitutulong sa pagsasaka.

Tinalakay ni G. Hans Flores, Agriculturist I; Bb. Jamila Balmeo, Information Officer II; at Bb. Maridelle G. Jaurigue, Media Production Specialist II, ang nilalaman ng DAC 101 at 102 modules. Nakapaloob dito ang smartphone, accessing the internet, agriculture-related applications, social media marketing at e-commerce platforms.

Bilang paghahanda sa isasagawang DAC sa kani-kanilang lokalidad, nagkaroon ng demo back session ang mga kalahok para sa mas maayos na pagpapadaloy ng pagsasanay.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagbigay ng panghuling mensahe si Assistant Center Director Dr. Rolando V. Maningas. Ipinaabot niya ang pagbati sa matagumpay na pagtatapos ng mga kalahok.

Layunin ng TOT on Digital Agriculture na turuan at maihanda ang RCEF farm schools sa pagsasagawa ng DAC sa kanilang lokalidad.

article-seo
bad