Gabi ng Pasasalamat: Pagpupugay at Pagpaparangal sa Mahahalagang Kontribusyon

Tue, 05/17/2022 - 12:12
Gabi ng Pasasalamat: Pagpupugay at Pagpaparangal sa Mahahalagang Kontribusyon

Bilang pagbibigay-pugay sa kanilang hindi matatawarang serbisyo publiko, ipinagdiwang ng ATI CALABARZON ang “Salamat-Mabuhay Program: Gabi ng Pasasalamat” para sa tatlong (3) kawani ng institusyon na sina Gng. Lucina O. Desnacido, Security Guard I; Gng. Angela S. Amoloza, Network Controller I; at Gng. Marites Piamonte-Cosico, Center Director (CD).

Dumalo para magpaabot ng mensahe ng pasasalamat at pagpaparangal ang mga kaibigan at kasamahan sa industriya ng gawaing pang-ekstensyon: Bb. Eda Dimapilis, Chief of Research Division (Department of Agriculture Regional Field Office IV-A); Dr. Ruth Miclat, National Livestock Program Director; Gng. Elsa Parot, ATI Bicol Center Director; Ms. Veronica Esguerra, former ATI Central Luzon Center Director; G. Brian Belen ng Ato Belen’s Farm; Engr. Edelissa Ramos ng Uma Verde Econature Farm; at G. Eric Atanacio ng Terra Verde Econature Farm. Nakiisa rin sa selebrasyon si Atty. Rhaegee Tamaña, Chief of Staff ng Senate Committee in Agriculture.

Ginawaran ni ATI OIC Deputy Director Antonieta Arceo ng plaque of recognition sina CD Cosico, Gng. Desnacido at Gng. Amoloza.

Ilan pa sa mga naging highlight ng programa ang paglulunsad ng PIA (Program Information Archive), information system ng mga pagsasanay at iba pang gawain ng ATI CALABARZON sa agrikultura at pangisdaan. Bukod pa rito, binuksan din ang ATI CALABARZON [Center] Directors’ Gallery na matatagpuan sa lobby ng tanggapan.

Bahagi rin ng programa ang paglalahad ng MPC (Messages of Pia Cosico) in Agricultural Extension. Ito ay maglalaman ng mga mahahalagang mensaheng ibinahagi ni CD Cosico sa iba’t ibang pagsasanay at aktibidad na isinagawa ng institusyon bilang Center Director sa loob ng walong (8) taon. Ang mga mensaheng ito ay magsisilbing inspirasyon sa bawat isa para lalong magpursigi at magsikap bilang lingkod-bayan.

Sa kanyang tugon, saad ni CD Cosico na, “ATI CALABARZON is not equated to Pia Cosico. ATI CALABARZON is composed of intelligent, well-trained and mannered individuals that are ready to provide excellent and innovative extension services, and I can vouch for this. Sabi nga ng tagline ng isang bangko “you are (still) in good hands.”

Sa pagtatapos, pinangunahan ni Gng. Arceo ang ATI key ceremonial turnover mula kay outgoing CD Cosico na ibinigay kay Dr. Rolando Maningas na magsisilbing OIC Center Director ng ATI CALABARZON.

article-seo
bad