Iba’t ibang Recipe mula sa Mais, Ibinida ng mga Kalahok

Wed, 02/23/2022 - 14:51
Iba’t ibang Recipe mula sa Mais, Ibinida ng mga Kalahok

Pinangunahan ng MoCA Family Farm RLearning Center Inc., isang Accredited Extension Service Provider (ESP) ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ang “Product Development Training on Corn Products” noong ika-9 hanggang ika - 18 ng Pebrero, 2022 sa pamamagitan ng blended learning approach. May kabuuang dalawampu’t anim (26) na kalahok na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon sa CALABARZON ang nagsipagtapos sa sampung (10) araw na pagsasanay.

Ang mais ay pangalawa sa pinakamahalagang pananim sa bansa. Malaki rin ang potensyal ng industriya ng mais sa bansa, kaya naman nilayon ng pagsasanay na maturuan ang mga kalahok sa iba’t ibang pamamaraan ng paghahanda at pagpo-proseso nito, gayundin mabuksan ang kanilang kamalayan sa mga konseptong pang entrepreneur at product development.

Ibinida ng mga kalahok ang kanilang koleksyon ng mga recipe mula sa mais na kanilang nagawa bilang output mula sa pagsasanay. Ang koleksyon ay gagawing supplemental reading material ng ATI CALABARZON.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, pinasalamatan ni ATI CALABARZON Assistant Center Director Dr. Rolando V. Maningas ang MoCA Farm para sa isang makabuluhan at matagumpay na kolaborasyon. Hinikayat din niya ang mga kalahok na patuloy na matuto ng iba’t ibang teknolohiya na makakatulong sa pag-unlad ng sektor ng pagsasaka.

Ulat mula kay: Ric Jason T. Arreza, Development Management Officer I

article-seo
bad