Ika-13 na FITS Kiosk sa Lalawigan ng Laguna, Inilunsad sa Adoress Farm Training and Assessment Center

Tue, 01/24/2023 - 17:00

Ika-13 na FITS Kiosk sa Lalawigan ng Laguna, Inilunsad sa Adoress Farm Training and Assessment Center 

Ika-13 na FITS Kiosk sa Lalawigan ng Laguna, Inilunsad sa Adoress Farm Training and Assessment Center

 

 

MABITAC, Laguna - Pormal na inilunsad ng Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON ang ika-13 na Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Kiosk sa lalawigan ng Laguna, partikular ang Adoress Farm Training and Assessment Center Inc. na isa ring certified Learning Site for Agriculture sa Mabitac, Laguna.

Dumalo sa paglulunsad at nagbigay ng mensahe si Dr. Rolando V. Maningas, Training Center Superintendent II / Center Director. Batid niya na ang pagtatatag ng FITS Kiosk ay upang maipalapit ang serbisyo ng FITS sa komunidad. Saad din ni Dr. Maningas na, “Ang mga Agricultural Extension Workers sa lokal na pamahalaan ng Mabitac at lalagiwan ng Laguna ang gagabay sa mga magsasaka para gamitin ang tamang teknolohiya. Ito ang pinakang layunin ng Techno Gabay Program (TGP).”

Nakiisa rin sa nasabing gawain sina G. Amador at Gng. Teresita Sanchez, may-ari ng Adoress Farm; Gng. Gennie Aquino, kinatawan mula sa Office of the Provincial Agriculturist ng Laguna; G. Luckie Dorado ng Office of the Municipal Mayor; at Engr. Johnvienfran Salvador, Municipal Agriculturist.

Ipinaliwanag ni Bb. Jamila Balmeo, Information Officer II, ang pangkalahatang-ideya ng TGP kung saan nakapaloob ang FITS Kiosk tulad ng mga serbisyo na ipinagkakaloob nito: Information, Education and Communication (IEC) Materials at Information Communications Technology (ICT). Bahagi rin ng paglulunsad ang paglagda sa Letter of Agreement (LOA) sa pagitan ng DA-ATI CALABARZON at mga katuwang sa programa, gayundin ang pagbubukas ng FITS Kiosk sa komunidad.

Layunin ng TGP na maipaabot ang mga teknolohiya at impormasyon ukol sa agrikultura, pangisdaan at paghahayupan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Sa kabuuan ay may 53 FITS Kiosk sa rehiyon ng CALABARZON.

 

article-seo
bad