Lingap sa Lipata, Inilunsad ng DA-ATI CALABARZON

Fri, 11/11/2022 - 13:48
Lingap sa Lipata, Inilunsad ng DA-ATI CALABARZON

 

INFANTA, Quezon - Bilang tugon sa kahilingan ng Lipata Agriculture Workers Association (LAWA), sa pakikipag-ugnayan sa Office of the Municipal Agriculturist ng Panukulan, Quezon, ay inilunsad ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON ang proyektong “Lingap sa Lipata” na naglalayong maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga taga Lipata sa pamamagitan ng mga makabago at angkop na teknolohiya sa pagsasaka.  

 

Nilagdaan nina DA-ATI CALABARZON OIC Training Center Superintendent II/Center Director Dr. Rolando V. Maningas, Mayor Alfred Rigor S. Mitra, Municipal Agriculturist G. Delfin del Rio at ang kinatawan ng LAWA na si G. Jojo Ungriano ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa nasabing proyekto.  

 

Bilang suporta sa inilunsad na proyekto, nagsagawa ang DA-ATI CALABARZON ng Training on Rice-Duck Farming System and Corn Production sa Brgy. Poblacion, Infanta, Quezon mula noong ika-8 hanggang ika-10 ng Nobyembre, 2022. Layunin ng pagsasanay na madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng dalawampu’t limang (25) miyembro ng LAWA ukol sa Rice-Duck Farming System, Corn Production at Organic Agriculture Production Technologies. Nagkaroon ng mga pagtakalay at pakitang-gawa ukol sa organic concoctions ang mga kalahok.  

 

Nagsilbing mga tagapagtalakay sina G. Jonnel Pumares mula sa Municipal Agriculture Office ng Panukulan, G. Mat San Agustin mula sa Bureau of Animal Industry - National Swine and Poultry Research and Development Center, Gng. Soledad Leal at G. Daynon Imperial mula naman sa DA-ATI CALABARZON.

 

Sa pagtatapos ng pagsasanay, ang LAWA ay nakatanggap ng starter kits tulad ng sweet corn seeds, mga organikong pataba, Bio-N at urea.  

 

Ang pagsasanay na ito ay pakikiisa rin sa pagdiriwang ng National Rice Awareness Month (NRAM) at 8th National Organic Agriculture Month ngayong Nobyembre.

 

 

Ulat ni: Soledad E. Leal   

 

article-seo
bad