Mga Juana, Nanguna sa Pagsasanay ng Pagpo-proseso Ng Karne

Tue, 03/14/2023 - 15:08

Mga Juana, Nanguna sa Pagsasanay ng Pagpo-proseso Ng Karne

Mga Juana, Nanguna sa Pagsasanay ng Pagpo-proseso Ng Karne

 

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Ang Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON ay nagsagawa ng tatlong (3) araw na pagsasanay na pinamagatang, “Training on Meat Processing with Good Manufacturing Practices,” sa DA- ATI CALARZON Meat Processing Hub, Trece Martires City, Cavite. Ito ay dinaluhan ng sampung (10) teknikong pang-agrikultura at labing-isang (11) Rural Improvement Club (RIC) at magsasaka mula sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Sumailalim sa pagsasanay ang mga kalahok patungkol sa Meat Processing, Food Safety, Hygiene and Sanitation at Packaging and Labeling. Nag-proseso rin ang mga kalahok ng karne ng baboy at manok upang gawin itong tocino, tapa, ham, siomai, embutido at burger patties.

Sa araw ng pagtatapos, nagbigay ng mensahe si Dr. Rolando V. Maningas, Training Center Superintendent II / Center Director ng DA-ATI CALABARZON. Saad niya, “Nakita ko ang inyong mga nagawang processed meat products at ayon sa mga impression na naibahagi ninyo lubos na nakakataba ng puso na madami kayong mababaon pauwi. Kami sa ahensiya ay lubos na umaasa na ang inyong natutunan ay mapalago ninyo bilang negosyo at maibahagi ito sa inyong komunidad.”

Samantala, pagbabahagi naman ni G. Joseph Mario Navasero, isa sa mga kalahok mula sa lokal na pamahalaan ng Los Baños, Laguna, “First time ko po na maka-attend ng ganitong training. Una kinabahan ako pero as we go along ang dami kong natutunan. Ang dami kong pwedeng ibahagi pagbalik ko ng opisina mula sa meat processing hanggang sa kahalagahan ng food safety. Maraming salamat po ATI at Ma’am Marjo sa lahat ng kaalaman at oportunidad.”

Nagsilbing mga tagapagsalita sa pagsasanay sina Gng. Marjo P. Mojica, Market Specialist II ng Office of the Provincial Veterinarian – Cavite, at Bb. Marian Lovella A. Parot, Training Specialist II ng DA-ATI CALABARZON. Ang pagsasanay ay isinagawa noong ika-8 hanggang ika -10 ng Marso, 2023.

Ulat mula kay: Marian Lovella A. Parot

 

article-seo
bad