Mga Magsasaka ng Pangil sa Laguna, Sinanay ukol sa CFBW

Mon, 02/21/2022 - 17:17
Mga Magsasaka ng Pangil sa Laguna, Sinanay ukol sa CFBW

Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) Region IV-A, sa pakikipagtulungan sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM), ang Capacity Enhancement on the Operations of Composting Facilities for Biodegradable Wastes (CFBW) noong ika-17 hanggang ika-18 ng Pebrero, 2022 sa Pangil, Laguna. Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng Pambayang Agrikultor, G. Antonio Valin, na bigyan ng pagsasanay ang mga benepisyaryo ng CFBW sa kanilang bayan. Layunin ng dalawang (2) araw na pagsasanay na madagdagan ang kaalaman ng mga kalahok ukol sa composting o pagbubulok at upang mapanatiling gumagana ang CFBW na ipinagkaloob sa kanila ng BSWM.

Sa pagbubukas ng programa, nagpaabot ng mensahe si ATI CALABARZON Center Director Marites Piamonte-Cosico sa mga kalahok. Nagbigay din ng mensahe si Dir. Pablo Montalla ng BSWM at si Mayor Gerald Aritao.

Pinangunahan ni Bb. Yolanda Labuanan Abrina, Organic Agriculture (OA) Focal Person ng BSWM, kasama sina Bb. Josephine DC. Bagaoisan, Engr. Alresty Mationg, Engr. Troy Espiel at G. Sherwin Alba, na nagsilbi ding mga tagapagtalakay ng pagsasanay. Natutunan ng mga kalahok ang mga bahagi ng composting facilities gayundin ang proseso ng composting o pagbubulok. Sumailalim din sa hands-on activities ang mga kalahok sa Municipal Recovery Facility ng bayan ng Pangil.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagpaabot naman ng mensahe sina Bb. Eda F. Dimapilis, Regional OA Focal Person ng Department of Agriculture CALABARZON, at Senador Cynthia A. Villar, Chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food.

Pinasalamatan ni Dr. Rolando V. Maningas, ATI CALABARZON Assistant Center Director, ang mga kalahok sa pagdalo sa pagsasanay. May kabuuang dalawampu’t walong (28) indibidwal mula sa iba't ibang barangay sa Pangil, Laguna ang nakatapos sa Capacity Enhancement on the Operations of CFBW.

Ulat mula kay: Soledad E. Leal, Agriculturist II

article-seo
bad