Mga Plano at Programa sa Organikong Pagsasaka sa CALABARZON, Masusing Inilahad at Binalangkas

Mon, 02/28/2022 - 14:50
Mga Plano at Programa sa Organikong Pagsasaka sa CALABARZON, Masusing Inilahad at Binalangkas

Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ang Regional Consultation on Organic Agriculture (OA) noong ika- 24 ng Pebrero, 2022, kasama ang Department of Agriculture – Regional Field Office (DA RFO) IV-A, Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS) at Bureau of Soils and Water Management (BSWM). Ang aktibidad ay nilahukan ng Provincial OA Focal, Alternate Focal Persons at Report Officers mula sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.

Nagbigay ng pambungad na pananalita si ATI CALABARZON Center Director Marites Piamonte-Cosico at binigyang-tuon na, “Ang consultation na ito ay isang hakbang tungo sa ating layunin na to fully realize our 2022 Extension Programs in Organic Agriculture.” Nagpasalamat din siya sa partner agencies at mga lokal na pamahalaan sa patuloy na pagsuporta at pakikipag-ugnyan upang maisakatuparan ang mga gawaing pang-ekstensyon ng ATI CALABARZON. Samantala, nagpasalamat naman si Bb. Eda F. Dimapilis, Regional OA Focal Person ng DA RFO IV-A, sa ATI CALABARZON sa pangunguna sa gawaing ito at sa palagiang pag-imbita sa DA RFO IV-A sa mga ganitong gawain.

Inilahad ni G. Arnaldo Gonzales, Alternate Focal Person ng DA RFO IV-A, ang 2021 accomplishments, gayundin ang OA plans at programs para sa 2022. Dagdag pa rito, ibinahagi rin ni G. Jerson Raphael Bontogon ng BAFS ang kanilang mga plano at programa patungkol sa OA. Si Bb. Janice Castro naman ng BSWM ang naglahad ng targets sa Composting Facilities for Biodegradable Wastes (CFBW) at Small Scale Composting Facilities para sa rehiyon. Ipinaliwanag din ni Gng. Soledad E. Leal, OA Focal Person ng ATI CALABARZON, ang 2021 accomplishments sa ilalim ng programang OA at ang 2022 extension programs.

Sa pagpupulong, nagkaroon din ng palitan ng talakayan ukol sa Participatory Guarantee System (PGS) at mga tatanggap ng CFBW.

Nagpaabot ng pangwakas na mensahe si ATI CALABARZON Assistant Center Director Dr. Rolando V. Maningas at nagpasalamat sa mga kalahok sa pagdalo sa produktibong gawaing ito. Layunin ng isang (1) araw na konsultasyon na masiguro na maiparating sa stakeholders ang mga gawaing pang-ekstensyon ng ATI CALABARZON sa ilalim ng programang OA.

Ulat mula kay: Soledad E. Leal, Agriculturist II

article-seo
bad