Paglalahad ng mga Pagsasanay at Gawaing Ekstensyon, Isinagawa ng ATI CALABARZON

Tue, 03/01/2022 - 13:59
Paglalahad ng mga Pagsasanay at Gawaing Ekstensyon, Isinagawa ng ATI CALABARZON

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Sa patuloy na pagsuporta sa pagpapabuti ng sektor ng agrikultura sa rehiyon, isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ang taunang “Regional Consultative Meeting”. Dinaluhan ito ng mga kawani mula sa iba’t ibang ahensiya at institusyon kabilang ang National Government Agencies, Local Government Units (Office of the Provincial Agriculturist/Provincial Veterinarian Office), State Universities and Colleges at mga pribadong sektor.

Sa pagbubukas ng pagpupulong, binigyang-diin ni ATI CALABARZON Center Director Marites Piamonte-Cosico ang kalahagahan ng kooperasyon at pagkakaisa, “Katulad ng isang pillar, hindi namin kakayaning makapagbigay suporta kung kami ay nag-iisa, kung wala ang inyong pakikiisa. If we help one another, everybody will surely win, especially our clients.”

Inilahad ni G. Angelo H. Hernandez, Project Evaluation Officer I, ang mga naging tagumpay at inobasyon na isinagawa ng ahensiya noong nakaraang taon. Samantala, ipinaliwanag naman ni Dr. Rolando V. Maningas, Assistant Center Director, ang mga prayoridad at polisiya ng ATI gayundin ang mga estratehiya na ipapatupad ayon sa OneDA Reform Agenda na isinusulong ng Kagawaran ng Pagsasaka. Binalangkas din ang mga plano at aktibidad ng ahensiya para sa 2022 na pinangunahan ng bawat banner program focal persons at ang mga posibleng kolaborasyon sa iba pang mga katuwang na ahensiya.

Sa pagwawakas ng programa, nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat si Dr. Maningas para sa isang produktibong aktibidad.

Naganap ang pagpupulong noong noong ika-28 ng Pebrero, 2022 sa papamagitan ng online platform na pinadaloy ng Planning Monitoring and Evaluation Unit (PMEU).

Ulat mula kay: Juvelyn V. Dela Cruz, Development Management Officer I

article-seo
bad