Pagsasanay ng Farm Business School (FBS), Pokus ang Pagnenegosyo sa Agrikultura

Wed, 08/17/2022 - 17:54
Pagsasanay ng Farm Business School (FBS), Pokus ang Pagnenegosyo sa Agrikultura

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang Villar SIPAG Farm School ang pagbubukas ng “Training of Facilitators on Farm Business School (FBS)” noong ika-15 ng Agosto, 2022.

Mainit na tinanggap ni Dr. Rolando V. Maningas, ATI CALABARZON OIC Training Center Superintendent II, ang dalawampung (20) kalahok. Sa kanyang mensahe, pinasalamatan niya ang mga kalahok bilang kaagapay ng kagawaran sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.
Nagpaabot din ng mensahe ng pagsuporta sina Director IV ng ATI Central Office Dr. Rosana P. Mula; Deputy Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) G. Aniceto D. Bertiz III; at OIC Regional Executive Director ng Department of Agriculture Regional Field Office IV-A Engr. Abelardo R. Bragas.

Samantala, nagbigay naman ng pagsuporta sa nasabing pagsasanay si Senador Cynthia A. Villar bilang Chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food at Senate Committee on Environment and Natural Resources. Sa kanyang mensahe, inaasahan niya na mas tumaas ang kakayanan ng mga kalahok sa pagpapatakbo ng kanilang mga bukirin bilang isang negosyo na kumikita.

Layunin ng Training of Facilitators on FBS na pagbutihin at palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa mga konsepto at gawain ng FBS. Magtatagal ang nasabing pagsasanay hanggang ika-25 ng Agosto, 2022. Ito ay pinangangasiwaan ng Career Development and Management Services Section (CDMSS) sa pangunguna ni Bb. Lizbeth L. David bilang Project Officer.

Ulat ni: Lizbeth David
Edited by: JCailo / JBalmeo

 

article-seo
bad