Radyo Eskwela, Daan Tungo sa Pagpapalawak ng Organikong Pagsasaka sa Bondoc Peninsula

Tue, 10/18/2022 - 10:07

SOA-OA Graduation in Catanauan, Quezon

CATANAUAN, Quezon - Matagumpay na nagsipagtapos ang 619 na mag-aaral ng programang Radyo Eskwela sa Organikong Pagsasaka Para sa Bondoc Peninsula. Isinagawa ng Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (DA-ATI) Region IV-A ang seremonya ng pagtatapos sa Municipal Covered Court, Catanauan, Quezon noong ika-13 ng Oktubre, 2022. Katuwang sa pagpapatupad ng nasabing programa ang DA Regional Field Office IV-A, Office of the Provincial Agriculturist ng Quezon, TESDA Quezon at mga lokal na pamahalaan ng Bondoc Peninsula sa pamamagitan ng kanilang Office of the Municipal Agriculturist. 

Dumalo sa pagtatapos sina Gng. Leonellie Dimalaluan, Assistant Provincial Agriculturist ng Quezon; Dr. Gerardo Marasigan, Provincial Director ng TESDA Quezon; Bb. Irish Hernandez ng Agricultural Program Coordinating Office (APCO) Quezon; ilang radyo titser; Municipal Agriculturists at Coordinators ng Bondoc Peninsula; at mga natatanging mag-aaral ng programa.

Saad ni Dr. Rolando V. Maningas, OIC Training Center Superintendent II/Center Director ng DA-ATI Region IV-A, “Ang radyo eskwelang ito ay nagbigay ng tamang kaalaman ukol sa organikong pagsasaka. Maging panimula nawa ito sa pagpapalaganap ng organikong agrikultura sa buong lalawigan at rehiyon. Congratulations sa pahanon at effort na ginugol ninyo sa programa.”

Ipinaliwanag ni Bb. Jamila Balmeo, Project Officer, ang kabuuan ng programa. Natanggap ng mga nagsipagtapos ang sertipiko gayundin ang medalya para sa mga natatanging mag-aaral mula sa DA-ATI Region IV-A.

Napakinggan ang Radyo Eskwela sa Organikong Pagsasaka Para sa Bondoc Peninsula sa 95.1 Kiss FM simula ika-17 ng Hunyo hanggang ika-16 ng Setyembre, 2022, kada Biyernes sa ganap na alas dose hanggang  ala una ng hapon. Sabayan din itong napanood sa Broadcast Channel 6 at official Facebook page ng DA-ATI CALABARZON. Ilan sa mga paksang tinalakay ang organic concoctions, organic vegetable production, raising organic chickens/hogs at Participatory Guarantee System (PGS).

Ang seremonya ng pagtatapos ay napanood din sa official Facebook ng DA-ATI CALABARZON. Ang programa ay pinangunahan ng Information Services Section kasama ang Partnerships and Accreditation Section.

 

article-seo
bad