TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Idinaos ng Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON ang ika-36th Founding Anniversary ng institusyon, na may temang “ATI LEADS: Innovate, Transform, Empower Embracing Extension Modernization for a Progressive and Sustainable Agriculture and Fisheries,” ngayong araw, ika-31 ng Enero, 2023 sa DA-ATI CALABARZON Compound, Brgy. Lapidario, Trece Martires City, Cavite. Nakibahagi sa selebrasyon sina: DA Regional Field Office IV-A sa pangunguna ni Regional Executive Director Milo delos Reyes na kinatawan ni Agricultural Program Coordinating Officer (APCO) Joselito Noceda; Kgg. Mayor Gemma B. Lubigan na kinatawan ni Bb. Maria Teresa Bergado; Office of the Provincial Agriculturist ng Cavite na kinatawan ni Engr. Ana Pamela Nova; City Agriculture Office ng Trece Martires sa pangunguna ni Engr. Lariza Vey Cabaya; Office of the City Agriculture Office ng General Trias sa pangunguna ni Bb. Nerissa Marquez; at Municipal Agriculture Office ng Naic sa pangunguna ni Bb. Elma Valenzuela. Dumating din sa nasabing pagtitipon ang Barangay Chairman ng Lapidario na si Kgg. Remegio Dilag.
Bilang bahagi rin ng pagdiriwang, isinagawa ang KADIWA Retail Selling sa pakikipagtulungan sa DA-Agribusiness and Marketing Assistance Division (DA-AMAD) sa pangunguna ni Bb. Editha M. Salvosa. Limang (5) Farmers’ Cooperative and Association (FCAs) mula sa iba’t ibang bahagi sa lalawigan ng Cavite ang nakiisa at nagdala ng kanilang mga produkto. Ang nasabing FCAs ay ang General Trias Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative, Pacheco Agrarian Reform Cooperative, Yakap at Halik MPC-Cavite, Daine 1 & 2 Farmers Association Inc. at Buklod Unlad Multi-Purpose Cooperative.
Binigyang-pugay rin ang kontribusyon ng mga kawani na nabigyan ng pagkilala ng DA-ATI Central Office para sa kanilang ipinamalas na dedikasyon sa ahensya. Narito ang tala ng mga nabigyan ng Loyalty Award at bilang ng taon nila sa paglilingkuran:
Limang (5) Taon
Arnold Venzon
Renz Rocas
Jeffrey Mapalo
Pitong (7) Taon
Edwin Cerrado
Walong (8) Taon
Lovely Ravelo
Siyam (9) na Taon
Mervin Vitangcol
Sampung (10) Taon
Renato Ferrer
Labindalawang (12) Taon
Ma. Isabel Lim
Dalawampung (20) Taon
Gregorio Flores
Ginawaran din ng pagkilala sina Bb. Soledad E. Leal para sa implementasyon ng Organic Agriculture Program at G. Roy Roger Victoria para naman sa Binhi ng Pag-asa Program. Dagdag pa rito, isinagawa ang tatlong (3) Urban Agriculture (UA) Seminar Series na pinamagatang: “Paggawa ng mga Organikong Pataba” ni G. Mervin B. Vitangcol; “Mga Natural na Pestisidyo” ni Bb. Janine L. Cailo; at “Paghahalaman Gamit ang Tubig” ni Engr. John M. Mendoza. Humigit-kumulang limampung (50) mga indibidwal ang nakilahok sa nasabing seminar. Ang UA seminar series ay live na live ding napanood sa official Facebook page ng DA-ATI CALABARZON.
“Ngayong araw, hindi lamang ang pagkakatatag ng DA-ATI ang ating ipinagdiriwang dahil pagkilala rin ito sa mga makukulay na tagumpay ng iba’t ibang ahensya at mga private extension partners na patuloy naming kasangga at kaagapay sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda. Ang buong DA-ATI ay kaisa ninyo sa selebrasyon na ito!”, saad ni Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng DA-ATI CALABARZON, sa kanyang mensahe. Nagpaabot din ng pagbati sa ahensya sina Dir. Remelyn R. Recoter, OIC Director IV ng DA-ATI, at Senator Cynthia A. Villar, Chairman of Committee on Agriculture and Food.