FITS Center, Inilunsad sa Trece Martires City

Wed, 06/01/2022 - 11:40
FITS Center, Inilunsad sa Trece Martires City

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Bilang tagapanguna sa pagpapatupad ng Techno Gabay Program (TGP) sa rehiyon, isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang lokal na pamahalaan ng Trece Martires City sa pamamagitan ng Panglungod na Opisina ng Agrikultor ang paglulunsad ng ika-16 na Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Center sa lalawigan ng Cavite. Layunin ng programa na mapalapit sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang kliyente ang mga angkop, napapanahon at tamang impormasyon ng mga teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda.

Dagdag pa rito, ipinaliwanag ni Bb. Janine Cailo, TGP Focal Person, ang apat (4) na bahagi ng programa tulad ng mga babasahin o Information, Education and Communication (IEC) materials; mga impormasyon na matatagpuan gamit ang internet o Information and Communication Technologies (ICT); Magsasaka Siyentista; at ang FITS Center.

Samantala, pormal na pinasinayaan ni Hon. Gemma B. Lubigan, Alkdale ng Lungsod, ang gawain sa pamamagitan ng kaniyang pambungad na mensahe. Kabilang sa mga nagpaabot ng pagsuporta sina Ms. Lorna C. Matel, Techno Gabay Team Leader, mula sa Cavite State University Extension Services at Ms. Editha Paglinawan, FITS Manager, mula sa Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Cavite.

Pinangunahan naman ni ATI CALABARZON OIC Center Director Dr. Rolando Maningas ang ribbon cutting at paglalahad ng FITS Center billboard sa publiko. Sa kanyang mensahe itinalaga bilang FITS Manager si Ms. Corazon Sidamon, City Agriculture Office; FITS Technology Service Specialist (TSS) si Ms. Cely Bataclan at Ms. Lariza Vey Cabaya bilang FITS Information Service Specialist (ISS).

Pormal na binuksan ang FITS Center Trece Martires City noong ika-30 ng Mayo 2022 na matatagpuan sa 1st Floor, City Agriculturist Bldg., City Hall Compound, Trece Martires City, Cavite.

Edited by: JBalmeo

article-seo
bad