TANAY, Rizal Province – Pinangunahan ng Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON katuwang ang University of Rizal System at Panlalawigang Pamahalaan ng Rizal sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ang taunang pagsasagawa ng Techno Gabay Program (TGP) Summit
Binigyang-tuon sa pagtitipon ang mahalagang ugnayan ng ahensya sa mga Partner Agencies (PAs) mula sa Cavite State University (CvSU), Laguna State Polytechnic University (LSPU), Batangas State University (BSU), University of Rizal System (URS), Southern Luzon State University (SLSU), at mga Panlalawigang Tanggapan ng Agrikultor sa rehiyon sa temang, “Creating Connections and Collaborations to Build Stronger Communities".
Sa unang araw ng programa, nagbigay ng ulat ang mga Partner Agencies sa pinagsama-samang napagtagumpayan ng mga Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Centers sa bawat lalawigan sa pamamagitan ng Facebook Live.
Sa muling pagbubukas ng TGP Summit sa publiko, nagkaroon ng pagbabahagi ang mga unibersidad sa rehiyon ng mga teknolohiya patungkol sa pagsasaka. Nagbigay naman ng isang presentasyon ang University of the Philippines – Los Baños (UPLB) ng pagtatalakay ukol sa Science Communication.
Muling kinilala ng ahensya ang mga kontribusyon at pagsisikap ng mga Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Center sa pagpapalaganap ng impormasyon at makabagong teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda sa rehiyon.
Narito ang mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya:
I. Minor Awards
Highest Number [RCM Recommendations Generated] in Rice Crop Manager Dissemination
Winner: FITS Center Candelaria, Quezon
Highest Number of Knowledge Products Developed and Disseminated
Winner: FITS Center Teresa, Rizal
Promotion of Magsasaka Siyentista (MS)
Winner: FITS Center Pila, Laguna
Highest Number of In-House Training
Winner: FITS Center OPA Quezon
FITS Center with Complete Reports (Provincial Level) -
Winner: Cavite Province
Top Performing Facebook Pages:
- Candelaria
- OPA Quezon
- Imus City
- Lucena City
- MoCa Family Farm RLearning Center
- Taytay
- Polillo
- Catanauan
- Siniloan
- San Luis
Best FITS Highlights of Accomplishment Poster
1st Place: OPA Quezon
2nd Place: Bacoor City
3rd Place: OPA Cavite
II. Major Awards
Recipients of the Milestone Award
- Dasmariñas City
- Pagsanjan
- Rizal
- Nagcarlan
- San Pablo City
- Pila
- Teresa
- Morong
- Maragondon
- Imus City
- OPA Laguna
- Taytay
- Baras
- Alabat
- Gumaca
- OPA Cavite
- Catanauan
- Antipolo City
- MFI-Jalajala
Winners of Excellence Award
Cavite Province:
- OPA Cavite
- Bacoor City
Laguna Province:
- OPA Laguna
- San Pablo City
Batangas Province:
- OPA Batangas
- Tanauan City
Quezon Province:
- OPA Quezon
- Gumaca
Rizal Province:
- Taytay
- Morong
Binigyang-tuon din sa programa ang panunumpa ng mga Magsasaka Siyentista (MS) mula 2020 - 2022. Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng mahalagang mensahe si OIC, TCS II/Center Director Dr. Rolando V. Maningas sa mga FITS Centers, FITS Kiosks, at mga Magsasaka Siyentista. Isinagawa ang Summit noong ika-22 hanggang ika-24 ng Nobyembre, 2022 sa bayan ng Tanay, Rizal.