Information Caravan sa Balanced Fertilization Strategy (BFS) pinangunahan ng ATI Calabarzon

Thu, 04/28/2022 - 15:11
Information Caravan sa Balanced Fertilization Strategy (BFS) pinangunahan ng ATI Calabarzon

CATANAUAN, Quezon- Pinangasiwaan ng Agricultural Training Institute (ATI)– CALABARZON, katuwang ang Fertilizer and Pesticide Authority RFU IV at Farmers' Information and Technology Services (FITS) Center Catanauan, Quezon ang Information Caravan on Balanced Fertilization Strategy (BFS) for RCEF Beneficiaries sa bayan ng Catanauan, Quezon noong ika-27 ng Abril, 2022.

Layunin ng programa na bigyang-kaalamaan ang mga magsasaka sa benepisyo at kalamangan ng BFS na gumagamit ng kombinasyon ng organikong at di-orkanikong pataba sa pagpapalay. Sa pamamagitan nito, nakakatulong ito upang mabawasan ang gastusin ng mga magsasaka sa pagbili ng di-organikong pataba.

Nagsilbing tagapagsalita si FPA IV Regional Officer Suzettie Alcaide. Kanyang ibinahagi ang mga rehistradong organikong pataba at pamamaraan tulad ng paggamit ng FPJ at compost sa sakahan.

Sa ikalawang paksa, binahagi ni G. Hans Christopher Flores, Agriculutrist I mula sa ATI Calabarzon, ang paggamit ng MOET, Leaf Color Chart (LCC), at Alternate Wetting and Dying o AWD.

Ang 50 na kalahok mula sa mga iba't-ibang barangay ng Catanauan ay nakatanggap din ng MOET kit, LCC, at AWD na kanilang magagamit sa kanilang sakahan upang masigurado nila na mabibigyan ng tamang nutrisyon ang kanilang palay.

article-seo
bad