MAISKwelahan, Magsasahimpapawid Ngayong Hunyo

Mon, 05/30/2022 - 16:49
MAISKwelahan, Magsasahimpapawid Ngayong Hunyo

TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Pormal na inilunsad ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang Kagawaran ng Pagsasaka, Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Laguna at Quezon, lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Panlungsod at Pambayang Opisina ng Agrikultor ang MAISKwelahan, isang radyo eskwela para sa pagmamaisan noong ika-26 ng Mayo, 2022.

Ang MAISKwelahan ay ika-apat na taon na handog ng ATI CALABARZON sa rehiyon na naglalayong maihatid ang mga impormasyon sa mga makabago at angkop na teknolohiya sa pagtatanim ng mais hanggang pagbebenta.

Upang maihatid ang paaralan sa himpapawid sa mas maraming tagapakinig at tagasubaybay, muling mapapanood ang MAISKwelahan sa social media platforms tulad ng official Facebook page at AgriStudio YouTube channel ng ATI CALABARZON. Mapapanood din ng mga kalahok ang ilan sa bagong segments ng programa tulad ng AgriPanahon at Bantay Presyo.

Sa isinagawang virtual launching, mainit na tinanggap ni Bb. Jamila Balmeo. OIC Chief ng Information Services Section ng ATI CALABARZON, ang mga katuwang na mga Municipal Agriculturist, mga tekniko, SOA Corn Coordinators at lider-magsasaka. Nagpaabot din ng mainit na pagsuporta si Provincial Agriculturist ng Laguna G. Marlon Tobias gayundin sina Acting Provincial Agriculturist ng Quezon Gng. Ma. Leonellie Dimalaluan at ATI OIC Deputy Director Gng. Antonieta J. Arceo.

Ipinaliwanag naman ni Bb. Janine Cailo ang kabuuang ideya, mga paksang tatalakayin at pamamaraan ng programa. Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si ATI CALABARZON OIC Center Director Dr. Rolando V. Maningas sa aktibong pakikibahagi ng mga kalahok sa MAISKwelahan at hinikayat ang pagsuporta ng bawat isa.

edited by: JBalmeo

article-seo
bad