Mga Pagsasanay at Gawain sa Rice Program, Inilahad ng ATI Calabarzon

Mon, 02/28/2022 - 15:18
Mga Pagsasanay at Gawain sa Rice Program, Inilahad ng ATI Calabarzon

TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Bilang tagapanguna sa pagpapatupad ng Rice Program sa rehiyon Calabarzon, nagsagawa ng “Regional Consultation on Rice Program CY 2022” ang Agricultural Training Institute- CALABARZON sa pangunguna ng pangagasiwa ni Center Director, Marites Piamonte-Cosico, Assistant Center Director Dr. Rolando V. Maningas, PASS Chief Gng. Sherylou C. Alfaro, at Rice Focal Person Gng. Mary Grace P. Leidia.

Naging pokus ng pagpupulong ang mga nakalatag na mga programa at pagsasanay ng ahensya at ng mga kaagapay mula sa PhilRice at DA RFO IV-A sa ilalim ng Rice Program ngayong taong 2022. Ibinahagi rin ni Gng. Leidia ang mga naging tagumpay ng programa nuong 2021, kanya rin tinalakay ang mga gawain tulad ng “IRRI’s Rice: Research to Production (RR2P) digitized Training Course” at “NextGen Plus Training Course on the conduct of Participatory Performance Testing and Validation-Researcher Managed (PPTV-RM) trial.”

Nagsilbing tagapagsalita sina Agriculturist II Jhoanna O. Santiago bilang kinatawan mula sa DA RFO IV-A, at Research and Development Coordinator Dr. Michelle C. Quimbo mula naman sa PhilRice Los Baños.

Kasama din sa naturang pagpupulong ang mga kaagapay sa iba’t ibang ahensya mula sa DA RFO IV-A, DA Regional Crop Pest Management Center (RCPMC) IV-A, PhilRice, mga kinatawan mula sa Panlalawigan Tanggapan ng Agrikultor, Rice Coordinators, at mga Local Farmer Technicians (LFTs).

Ang gawain ay pinadaloy ng kawani mula sa Partnership and Accreditation Services Section (PASS) sa pamamagitan ng Zoom application noong ika-24 ng Pebrero, 2022.

article-seo
bad