Mga produkto mula sa niyog, tampok sa pagsasanay para sa mga magniniyog ng Batangas

Fri, 12/29/2023 - 12:20
Produkto ng magniniyog sa Batangas 01.png

PADRE GARCIA, Batangas – Tampok ang iba’t ibang produkto mula sa niyog sa tatlong araw na pagsasanay o ang “Empowering Coconut Communities through High-Value Utilization: Training on Coconut-Based Higher-Value Food Products and Coconut Shell Crafts” na pinangasiwaan ng MoCa Family Farm RLearning Center, Inc. noong ika-13 hanggang ika-15 ng Disyembre.

Aktibong lumahok ang 27 na mga magniniyog mula sa iba’t ibang bahagi ng Batangas sa tatlong araw na pagsasanay na layong mabigyan ng kaalaman, kasanayan, at mga mapagkukunan ng kagamitan ang mga kalahok ukol sa pagbibigay-dagdag na halaga sa paggamit ng niyog sa pagkain at sining at ibang mapaggagamitan.

Naging pokus ng pagsasanay ang paggawa ng mga pagkain tulad ng lumpiang buko na may coco-infused vinegar dip at paggawa ng sining gamit ang bao ng niyog.

Nagsilbing tagapagtalakay sina Bb. Madelene D. Dupale at G. Jose B. Bañares at nagbahagi ng mga kaalaman sa mga kalahok.

“Sa tatlong araw po naming pag-aaral o pagte-training namin dito,  marami po kaming natutunan at naging kaalaman tungkol sa niyog,” ani Gemma Cruz mula sa Lobo, Batangas.

Isa ang MoCa Family Farm RLearning Center, Inc. sa mga Private Agriculture and Fisheries Extension Service Provider (PAF-ESP) ng DA-ATI CALABARZON.

Ulat ni: Bb. Janine L. Cailo

article-seo
bad