TRECE MARTIRES CITY, Cavite- “Never stop learning, because life never stops teaching.” – isang kasabihang ipinaabot sa mensahe ni Dr. Rolando V. Maningas, DA-ATI IV-A OIC-Training Center Superintendent II para sa mga nagsipagtapos sa MaisKwelahan: Radyo Eskwela sa Pagmamaisan sa lalawigan ng Quezon at Laguna.
Matagumpay na nakumpleto ng 740 na mag-aaral ang mahigit dalawang buwang pag-aaral sa paaralan sa himpapawid, mula ika- 28 ng Hunyo hanggang ika-18 ng Agosto patungkol sa produksyon ng mais sa pamamagitan ng pakikinig sa radyo at panunuod mula sa opisyal na Facebook page at YouTube channel ng DA-ATI IV-A.
Ilan sa mahalagang paksa na hinatid ng gurong tagapagsalita marketing, corn silage, mekanisasyon, at teknolohiya sa pagtatanim ng sorghum.
Inihatid rin ng MaisKwelahan ang Agri-Panahon na nagbabahagi ng mga ulat-panahon sa pakikipagtulungan sa Adaptation Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) Program – CALABARZON at presyo ng mga pangunahing bilihin at mais sa segment na Bantay Presyo na hatid ng Agribusiness and Marketing Assistance Service Division (AMAD) at ng mga FITS Centers.
Sa araw ng pagtatapos, pinangunahan ng ahensya katuwang ang Kagawaran ng Pagsasaka, Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Laguna at Quezon ang dalawang pangkat ng pagtitipon ng mga natatanging mag-aaral mula sa lalawigan ng kasama ang kanilang mga program coordinator. Isinagawa ang seremonya ng pagtatapos sa lalawigan ng Quezon sa bayan ng Gumaca, Quezon noong ika-27 ng Setyembre. Bilang kinatawan ng ATI CALABARZON, pinagtibay ni Bb. Vira Elyssa Jamolin, Chief ng CDMS ang pagtatapos ng mga kalahok ng programa. Kasama rin sa pagtitipon si G. Rolando Cuasay ng APCO Quezon, APA Gng. Leonellie Dimalaluan at Gng. Jennifer Bascoguin ng Office of the Provincial Agriculturist Quezon, Mayor Webster Letargo ng Gumaca, maging ang mga Municipal Agriculturist at program coordinators ng Atimonan, Alabat, Calauag, Guinayangan, Gumaca, Lopez, Quezon at Tagkawayan.
Samantala, pinagtibay ni Gng. Sherylou C. Alfaro, OIC Training Center Superintendent I ang pagtatapos ng mga mag-aaral mula sa Calamba City, Sta. Cruz, Siniloan, at OPA FAES Laguna noong ika-28 ng Setyembre na isinagawa sa OPA FAES, Sta. Cruz, Laguna. Gayunrin, buo ang suporta ng lokal na pamahalaan ng Governor Ramil L. Hernandez ng probinsya ng Laguna. Nagbigay rin ng mensahe si Bb. Josephine Braganza mula sa APCO Laguna at Provincial Agriculturist G. Marlon P. Tobias.
Nagpaabot din ng kanilang pagbati sina Sen. Cynthia A. Villar at si Dir. Remelyn R. Recoter, MNSA, CESO III, OIC Director ng DA-Agricultural Training Institute sa pamamagitan ng video message.
Layunin ng programa maihatid ang mga impormasyon sa mga makabago at angkop na teknolohiya sa pagtatanim ng mais hanggang pagbebenta.