25 Kawani ng DA Attached Agencies sa Calabarzon, nagkamit ng CPD Units

Tue, 09/27/2022 - 10:03
25 Kawani ng DA Attached Agencies sa Calabarzon, nagkamit ng CPD Units

SILANG, Cavite – Nagsagawa ang Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON, katuwang ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Los Baños ng huling batch ng “Refresher Capability Enhancement Course for Agricultural Extension Workers (Approaches to Integrated Nutrient Management for Rice)”. Layunin ng aktibidad na pahusayin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa Balanced Fertilization Strategy (BFS) para sa palay at Integrated Nutrient Management batay sa Palaycheck System.

Pinangunahan ng ATI CALABARZON OIC-Training Center Superintendent II, Dr. Rolando V. Maningas kasama si Bb. Soledad Leal, OIC Chief ng Partnerships and Accreditation Services Section ang pagbubukas ng pagsasanay.

“Ang pagsasanay na ito ay isang magandang pagkakataon para sa lahat na matuto at mapahusay ang iyong kaalaman sa Integrated Nutrient Management,” pahayag ni Dr. Rolando V. Maningas, sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng programa.

25 kawani mula sa Department of Agriculture – Regional Field Office IV-A, APCO Offices of CALABARZON, DA Regional Crop Protection Center IV-A, Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Region IV, Philippine Rice Research Institute (PhilRice), at Agricultural Credit Policy Council (ACPC) ay natapos ang nabanggit na pagsasanay mula Setyembre 19-22, 2022 sa Teofely Nature Farm, isang accredited Regional Extension Service Provider (ESP) sa Silang, Cavite.

Nagsilbing mga tagapagtalakay sina Mr. Allan Jade V. Rojo ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA IV), Ms. Lilian M. Telmo ng Office of the Provincial Agriculturist Cavite, Mr. Wilfredo B. Collado, Wendy B. Abonitalla, Ms. Virginia Ompad ng PhilRice Los Baňos at Ms. Janine L. Cailo ng ATI CALABARZON. Bumisita ang mga kalahok sa PhilRice Los Banos at dun isinagawa ang pakitang-gawa ukol sa Minus One Element Technique o MOET.

Ulat ni: Mary Grace Leidia

article-seo
bad