TRECE MARTIRES CITY, Cavite - 20 Agricultural Extension Workers (AEWs) ng Mais ang nagtapos sa limang araw na unang pangkat ng “Pagsasanay ng mga Tagapagsanay sa Teknolohiya ng Produksyon ng Mais, Mekanisasiyon, at Negosyong Pag-unlad”
Ang mga nagsipagtapos ay mula sa Department of Agriculture RFO 4A at probinsiya ng Cavite at Quezon.
Ang pagsasanay ay naglalayon na maiangat ang teknikal na kaalaman, siyentipikong kakayahan at ang pagnenegosyong kaalaman ng mga kalahok sa produksyon ng mais, postharvest handling, at mekanisasyon sa pagsasaka kabilang na ang marketing upang ito maibahagi nila sa kanilang lugar na pinagsisilbihan at tuluyan ng magkaroon ng masaganang ani at mataas n akita sa pagmamaisan.
Ang mga naging tagapagtalakay ng iba’t ibang paksa ay sina Dr. Eduardo R. Lalas ng DA RFO 4A, Bb. Cynthia N. Lucido ng OMA Tanauan, Bb Madeliene C. Pelipada ng CASD, G. Rocan B. Pangan ng University of Rizal System, G. Ronald B. Balmes ng DA- Quezon Agricultural Research and Experiment Station, Engr. John M. Mendoza at G. Roy Roger Victoria II ng ATICalabarzon.
Nagbahagi ang ilan sa mga piling kalahok na sina G. Rigor Peñaverde, Bb. Anje Mae Manipol at G. Agustin Penus ng kanilang mga impresyon sa nagdaang pagsasanay.
Ang Assistant Center Director naman ng ATICalabarzon na si Dr. Rolando V. Maningas ay nagpaabot din ng mensahe na kung saan nagsabing ang mga kalahok ay nadagdagan ng kaalaman at kahusayan sa pagmamais na kung saan sila ay magiging mabuting instrument upang mapaunlad ang kabuhayan ng ating magsasaka ng mais.
Ang mga nagsipagtapos ay nakatanggap ng 14 CPD units mula sa pagsasanay na ito.
Ulat ni: Daynon Kristoff Imperial