Agricultural Extension Workers, Nagkamit ng CPD Units

Mon, 08/01/2022 - 10:15
Agricultural Extension Workers, Nagkamit ng CPD Units

TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Bilang tugon sa pangagailangan ng professionalization ng mga Agricultural Extension Workers (AEW) sa rehiyon, nakatanggap ng 14 CPD units ang 25 na kalahok ng “Pagsasanay ng mga Tagapagsanay sa Teknolohiya ng Produksiyon ng Mais, Mekanisasiyon, at Negosyong Pag-unlad.” Ito ay sa pangunguna ng Agricultural Training Institute – CALABARZON.

Dalawampung (20) Agricultural Extension Workers (AEWs) ang nagsipagtapos mula sa probinsya ng Laguna, Batangas, Quezon at DA Region Field Office IV-A. Layunin ng pagsasanay na maiangat ang teknikal na kaalaman, siyentipikong kakayahan at ang pagnenegosyong kaalaman ng mga kalahok sa produksyon ng mais, postharvest handling, at mekanisasyon sa pagsasaka kabilang na ang marketing upang ito maibahagi nila sa kanilang lugar na pinagsisilbihan at tuluyan ng magkaroon ng masaganang ani at mataas n akita sa pagmamaisan.

Ang pagsasanay ay ginanap sa pamamagitan ng blended approach kung saan tatlong araw ang ginugol sa pagtatalakay online at dalawang araw ang face-to-face. Bukod sa mga teknolohiya na tinalakay, ang bawat kalahok ay sumailalim din sa micro-teaching activity upang masuri ang kanilang kahusayan sa pagtuturo ng paksa at mapabuti ang pagbabahagi nila sa mga magsasaka ng teknolohiyang pang maisan sa kanilang lugar. Ang mga naging tagapagtalakay ng iba’t ibang paksa ay sina Dr. Eduardo R. Lalas ng DA RFO 4A, Bb Cynthia N. Lucido ng OMA Tanauan, Bb Madeliene C. Pelipada ng CASD, G. Rocan B. Pangan ng University of Rizal System, G. Ronald B. Balmes ng DA- Quezon Agricultural Research and Experiment Station, Engr. John M. Mendoza at G. Roy Roger Victoria II ng ATICalabarzon. Nagbahagi ang ilan sa mga piling kalahok na sina Ms. Kris Joy A. Credo, Ms. Daniella C. Jimenez at Mr. Shermark C. Navarro ng kanilang mga impresyon sa nagdaang pagsasanay.

Sa pangwakas na mensahe ng OIC, Center Director Dr. Rolando V. Maningas ng Agricultural Training Institute IV-A, hinikayat niya ang mga nagsipagtapos na maging mabubuting Agricultural Extenstion Worker at makakatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating magsasaka ng mais sa pamamagitan ng patuloy na pagdagdag ng kaalaman at kasanayan.

Ang pagsasanay ay isinagawa noong ika-25 hanggang 29 ng Hulyo 2022.

Nilalaman: Daynon Kristoff Imperial

article-seo
bad