DA-ATI CALABARZON, May Bagong Talagang Center Director

Tue, 01/10/2023 - 17:10
Panunumpa ni CD Maningas

Batangas Province – Nanumpa ang bagong talagang Training Center Superintendent II/Center Director ng DA- Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON, Dr. Rolando V. Maningas sa harap ni Director Remelyn Recoter noong ika-9 ng Enero 2022.

Kasabay ni Dr. Maningas na nanumpa si Bb. Marian Lovella A. Parot, itinalaga bilang Training Specialist II, at Bb. Lovely S. Ravelo, Admin Aide VI. Isang selebrasyon ang pinagsaluhan ng mga kawani ng DA-ATI CALABARZON para sa mga kasamahan, na nakapailalim sa unang pagpupulong o General Staff Meeting ng ahensya para sa taong 2023.

Samantala, sa unang pagpupulong na ginanap sa ATI Region IV-A Training Hall ng ika-10 na Enero, 2023, ipinahayag ni CD Maningas ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanyang mga adhikain at hiningi ang patuloy na pakikiisa ng bawat kawani para sa mga nais pa niyang makamit para sa buong ATI CALABARZON. Ibinahagi din ni Dr. Maningas ang mga pagsubok at tagumpay na kanyang kinaharap bago maitalaga sa kanyang posisyon upang magsilbing inspirasyon sa bawat isa na patuloy na mangarap at magsumikap.

Inilatag din ni CD Maningas ang mga bagong polisiya at mga nais niyang tutukan ng bawat Section at Unit para sa unang semestre ng taong 2023. Naging pokus ng pagpupulong ang pagpa-plano ng mga pagsasanay at gawaing pang-ekstensyon ng buong ahensya sa ilalim ng iba’t-ibang banner programs para sa FY 2023.

 

article-seo
bad