DFP 102, Ikalawang Yugto Para sa ‘Digital Shift’ ng mga Magsasaka

Wed, 03/30/2022 - 16:42
DFP 102, Ikalawang Yugto Para sa ‘Digital Shift’ ng mga Magsasaka

TERESA, Rizal – “Ito pong training na ‘to sobrang dami po naming natutunan. Hindi lang po kami, pati na rin po yung mga magulang namin na makisabay doon sa kung ano ba yung pinakamadaling way ngayon para makapagtinda.”

Ito ang ibinahagi ni Danica Jane Mirabueno, isa sa mga aktibong kabataang kalahok ng Digital Farmers Program (DFP) 102 na isinagawa sa bayang ito noong ika-28 hanggang ika-29 ng Marso 2022.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, natuto ang mga magsasaka ng ibat ibang ’digital tools at technologies’ na tutulong sa mas masinop na pagsasaka at pagyakap ng mga teknolohiya gaya ng ‘e-commerce platforms’ tungo sa mas progresibong hanapbuhay sa agrikultura.

Sampung pares ng kabataan at magsasaka ang nagtapos sa DFP 102. Nagsilbing mga tagapagtalakay mula sa Information Services Section ng ATI CALABARZON sina G. Hans Flores, Agriculturist I; Bb. Jamila Balmeo, Information Officer II; at Bb. Maridelle G. Jaurigue, Media Production Specialist II / OIC Chief ng Information Services Section.

Ibinahagi ni G. Flores ang advanced agriculture-related applications kabilang ang Plant Doctor at SPIDTECH. Samantala, tinalakay ni Bb. Balmeo ang advanced social media marketing kung saan gumawa ng social media marketing plan gayundin ng online poster ang mga kalahok gamit ang Canva application. Ipinaliwanag naman ng Project Officer at tagapagtalakay na si ni Bb. Jaurigue ang iba’t ibang e-commerce platforms tulad ng eKadiwa ni Ani at Kita, Shopee at Lazada. Itinuro din niya ang mga bahagi at gamit ng PayMaya kung saan gumawa ang bawat kalahok ng kanilang sariling account.

Ang tagumpay ng pagsasanay ay naging posible sa pagtutulungan ng ATI CALABARZON at Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Teresa.

article-seo
bad