DFP 102 Roll-out, Isinagawa sa Bayan ng Candelaria

Thu, 11/17/2022 - 18:47
DFP 102 Farmer Level Rollout

CANDELARIA, Quezon- Isinagawa ng DA - Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON, ang "Farmer-level Rollout ng DFP 102” para sa sampung pares na binubuo ng magsasaka at kapareha nilang kabataan.

Sa loob ng tatlong araw, nagsanay sila sa pag-gamit ng mga mobile applications tulad ng advanced agri apps, social media marketing at iba’t ibang e-commerce platforms na magagamit nila sa pagsasaka at pagbebenta ng kanilang produkto.

Samantala pinasinayaan ni Dr. Rolando V. Maningas, OIC Training Center Superintendent II / Center Director ng DA-ATI CALABARZON, ang pagbubukas ng pagsasanay. Saad niya na isabuhay ang mga natutunan ukol sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Ang DFP ay proyekto ng DA-ATI at Smart Communications, Inc. na may layuning maturuan ang mga magsasaka ng digital tools at mobile technologies. Isinagawa ang farmer-level rollout of DFP 101 sa nasabing bayan noong ika-15 ng Setyembre, 2022.

Ulat ni: Hans Christopher Flores 

article-seo
bad