FBS Training, Inihahanda ang Farm Owners at Farm Leaders sa pagiging Ganap na Entrepreneur

Mon, 10/24/2022 - 15:06
Ang mga kalahok habang ginagawa ang kanilang benchmarking activity.

Cavite Province - Dalawampung (20) farm owners at farmer leaders mula sa CALABARZON, Bicol at Davao ang muling nakapagtapos sa Training of Facilitators on Farm Business School. Ito ay sa pangunguna ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON at sa pakikipagtulungan sa Villar SIPAG Farm School. Layunin ng pagsasanay ang mabigyan ang mga kalahok ng kinakailangang kaalaman at kasanayan upang maitatag ang Farm Business School sa kani-kanilang komunidad.

Ayon kay Gng. Norilyn Mesina, kalahok muna sa Cavinti, Laguna: "napakaganda po ng konsepto nitong farm business school dahil nakapaloob dito ang mga kaalaman at kasanayan na sagot sa mga mabibigat na sitwasyon na madalas na kinakaharap ng mga magsasakang Pilipino katulad  ng kung saan hihiram ng puhunan at solusyon upang maiwasan ang over production na nauuwi sa pagkalugi dahil sa mababang market demand, dahil hindi nila alam ang storya ni Mang Juan na dapat bago magtanim ay dumaan muna sa pagsuri at pagsasaliksik ng mga opurtunidad at meron ding business cycle na dapat na sundan at isagawa."

Pinasinayaan ni Dr. Rolando V. Maningas, OIC TCS II/Center Director ng ATI CALABARZON ang programa ng pagtatapos. Dumalo rin sa programa ang Kagalang galang na Senador Cynthia A. Villar at si Deputy Director General Tonisito M.C. Umali ng TESDA.Nagpaabot din ng pagbati at mensahe sa pamamagitan ng recorded message ang OIC Director IV ng DA-ATI, Remelyn R. Recoter, MNSA, CESO.

Ang pagsasanay ay isinagawa mula Oktubre 11 hanggang 21, 2022.

Ulat ni: Lizbeth L. David

 

article-seo
bad