Pinangunahan ni ATI National Director, Dr. Rosana P. Mula, ang isinagawang FY 2021 Annual Review and Commitment Signing. Dinaluhan ito ng mga Center Directors mula sa iba’t-ibang panig ng bansa at kasamang nakiisa si CD Cosico mula sa ATI CALABARZON. Sa unang bahagi ng programa, ibinahagi ang ATI’s Thrust and Priorities for 2022 Onwards. Tinalakay din ang FY 2021 Consolidated Physical Performance at ang kalagayang pang pinansyal ng tanggapan.
Inilahad din ng Policy and Planning Division ang mga “best practices” sa pagpapatupad ng mga gawaing pang ekstensyon gayundin ang mga suliranin na kinaharap sa nagdaan na taon. Kasamang inilahad ang mga nakatakdang gawain at ang aprubadong budget sa bawat rehiyon para sa taong 2022. Kaalinsabay nito, nilagdaan ni CD Cosico ang FY 2022 Work and Financial Plan ng ATI CALABARZON, ito ay sinaksihan nina ACD Rolando Maningas, Daynon Kristoff Imperial (Budget Officer) at Abegail Del Rosario (Planning Officer).
Sa panghuli, binigyang-diin ni Assistant Director, Gng. Antonieta J. Arceo, ang pagsisikap at kasipagan ng lahat ng kawani ng ATI. Tinagubilin din nya ang patuloy na pagbibigay ng “excellent extension service beyond boundaries” at ang pagpapatupad ng mga stratehiya sa ilalim ng OneDA Reform Agenda.
Ulat ni: Abegail del Rosario