Mga Bagong Pinuno ng LGU, Sumailalim sa SDC

Tue, 10/04/2022 - 16:00
SDC Training

TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Philippine Civil Service nitong buwan ng Setyembre, matagumpay na isinagawa ng Agricultural Training Institute - CALABARZON ang unang pangkat ng "Supervisory Development Course Track I” sa ATI IV-A Training Hall, Brgy. Lapidario, sa lungsod na ito. 

Ang pagdiriwang ay may temang “Transforming Public Service in the next decade: Honing-agile and Future ready Servants” na sadyang akma sa kauna unahang pagsasagawa ng ahensya ng naturang pagsasanay para sa rehiyon.

Sa pakikipagtulungan ng ahensya sa Civil Service Commission (CSC) Region 4, dalawampung (20) bagong Municipal Agriculturist at Division/Unit Heads mula sa iba’t ibang opisina ng Tanggapan ng Panalalawigang Agrikultor, lokal na pamahalaan, at Department of Agriculture (DA) RFO IV-A ang nagsipagtapos sa apat na araw na pagsasanay.

Layunin ng pagsanay na paunlarin ang mga kasanayan sa pamumuno at pamamahala ng mga kalahok upang maging mabisang lider sa kanilang opisina o organisasyon. Ang mga paksang tinalakay ni Former CSC Director Emma Barrera ay napapaloob sa modyul na nagmula at ipinapatupad ng CSC.  

Sa pagtatapos, pinangunahan ni Bb. Sherylou C. Alfaro, OIC Training Center Superintendent I ng DA-ATI CALABARZON ang nasabing gawain. Nagpaabot din ng pasasalamat si OIC, Training Center Superintendent II Dr. Rolando V. Maningas sa naging tagapagsalita, training management team at higit sa lahat sa mga kalahok. Ang pangalawang pangkat ng pagsasanay ay isasagawa sa susunod na buwan ng Oktubre.

Nilalaman: Vira Jamolin & Lizbeth David

 

article-seo
bad