Mga Benepisyo ng Cuniculture, Pokus sa Webinar ng ATI

Tue, 07/12/2022 - 15:42
Mga Benepisyo ng Cuniculture, Pokus sa Webinar ng ATI

Alam niyo ba? Cuniculture ang tawag sa pag-aalaga ng mga kuneho, para sa kanilang karne, balat at balahibo. Hindi na lingid sa ating kaalaman ang pagbaba ng suplay ng karneng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF). Kaya naman ang pag aalaga ng kuneho ang isa sa mga nakikitang paraan upang magkaroon ng alternatibong mapagkukunan ng karne. Napatunayan na din ng mga eksperto na ang karne ng kuneho ay isa sa mga masustansiyang karne.

Isinagawa ng Agricultural Training Institute sa CALABARZON, katuwang ang mga Opisina ng Panlalawigang Beterinaryo ng CALABARZON, ang isang araw na “Seminar on Rabbitry Production and Enterprise Development" na isinagawa online. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng dalawampu’t dalawang (22) mga tekniko mula sa iba’t ibang bayan sa rehiyon.

Nagsilbing mga tagapagsalita sina G. Augusto Tengonciang at Bb. Rosemarie Espallardo ng FarmShare Prime. Tinalakay nila ang mga dapat gawin sa pag-aalaga at pagbebenta ng kuneho.

Nagpaabot ng mensahe si ATI CALABARZON OIC, Center Director Dr. Rolando V. Maningas sa mga lumahok.

Layunin ng seminar na madagdagan ang kaalaman at kamalayan ng mga tekniko sa kahalagahan ng pagpapalaki ng mga kuneho bilang alternatibong karne.

Isinagawa ang seminar noong ika-8 ng Hulyo 2022.

Sa ulat ni: G. Hans Christopher Flores

article-seo
bad