TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Dalawampung (20) tekniko sa paghahayupan ang matagumpay na nasigpagtapos sa “Training on Data Management for Livestock Extension Workers” na ginanap sa Sentrong Pangsanayan ng Agricultural Training Institute sa CALABARZON.
Ang naturang aktibidad ay naglalayon na makapagbigay ng introduksyon sa Philippine Animal Industry Management information System (PhilAIMIS) at mahasa ang abilidad ng mga tekniko sa Data Management.
Naging makabuluhan ang dalawa at kalahating araw ng pagsasanay para sa lahat sapagkat itinuro sa mga kalahok ang proceso sa Data Cleaning, data Validation at Data Deduplication gamit ang Pentaho. Nagkaroon din ng maikling diskusyon ukol sa PhilAIMIS framework at ang pahapyaw na responsibilidad ng mga end-users at encoder ng PhilAIMIS.
Ang mga nagsipagtapos sa pagsasanay ay masaya at masiglang binati nina Bb. Sherylou C. Alfaro, OIC, Assistant Center Director ng DA-ATI CALABARZON. Ipinaabot din ni Bb. Alfaro ang kanyang mga pasasalamat sa mga kalahok sa pagtugon sa imbitasyon ng pagsasanay at isang hamon na nawa pagbalik ng mga kalahok sa kani-kanilang opisina ay magamit nila ang kanilang mga nakuha sa pagsasanay.
Ang pagsasanay ay ginanap noong ika-20 ng Hunyo hanggang Ika-22 ng Hunyo 2022.
Ulat ni: Marian Lovella Parot