SINILOAN, Laguna – Pinangunahan ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON ang pagsasagawa ng taunang Techno Gabay Program (TGP) Summit na dinaluhan ng mahigit 250 mga kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon na ginanap sa Laguna State Polytechnic University (LSPU) Siniloan Campus mula Nobyembre 15-17.
May tema itong “TGP Connect: Bridging the Digital Divide through Empowerment of TGP Implementers” na naglalayong palakasin ang kolaborasyon ng iba’t ibang katuwang na ahensya at indibidwal sa pagpapaunlad ng teknolohiyang pang-agrikultura at paghahatid ng angkop at napapanahong impormasyon sa mga magsasaka.
Sa unang araw ng aktibidad na isinagawa sa pamamagitan ng Zoom at Facebook Live, ibinahagi ng DA-ATI CALABARZON at ng mga team leader ng iba’t ibang Farmers Information and Technology Services (FITS) Centers mula sa limang lalawigan sa rehiyon ang naging pagganap nito at katagumpayan ng kani-kaniyang serbisyo sa loob ng taong 2023.
Kasunod nito, pormal na binuksan ang exhibit para sa mga accomplishment poster ng mga kalahok na FITS Center sa ikalawang araw ng gawain.
Naging pangunahing tagapagsalita si Dr. Honorio C. Flameño, Director IV ng DA-Information and Communications Technology (ICTS). Binigyang-pansin niya na dapat angkop ang inobasyon sa pangangailangan ng mga makikinabang dito, gayundin ang mga panuntunang kailangang ikonsidera.
“Let us foster an environment of mutual understanding, where users’ needs and providers’ capabilities converge to create solutions that uplift everyone,” pahayag ni Dr. Flameño.
Nagkaroon din ng talakayan hinggil sa cybersecurity sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region IV-A, ICT para sa climate change mitigation and adaptation na tinalakay ng DA-Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA), at produksyon ng pigmented rice na ibinahagi ng tagapagsalita mula sa LSPU.
Samantala, sa ikatlong araw naman ng TGP Summit isinagawa ang paggagawad ng parangal sa mga natatanging FITS Center and Magsasaka Siyentista na ginanap sa Amazing View Mountain Resort sa Mabitac, Laguna. Narito ang listahan ng mga nagkamit ng parangal:
Minor Awards:
Information Services Category
- FITS Center- Pila, Laguna - Best Rice Crop Manager (RCM) Implementer Award
- FITS Center- Bacoor City - Top Knowledge Products Developer Award
Technology Services Category
- FITS Center- Naic, Cavite - In-House Trainings Achievement Award
Special Award
- Cavite Province - Accomplishments Report Award (Provincial Level)
Major Awards
Most Active Magsasaka Siyentista Award
- Gabriel Arubio
- Ma. Evita Roqueza
- Victoriano Gamboa
- Fidel Sta. Catalina
- Edna Sanchez
- Edelissa Ramos
Top Performing Social Media Page Award
- FITS Center- Teresa, Rizal
- FITS Center- Gen. Trias City
- FITS Center- Lucena City
- FITS Center- Indang, Cavite
- FITS Center- Taytay, Rizal
- FITS Center- Catanauan, Quezon
- FITS Center- Amadeo, Cavite
- FITS Center- Trece Martires City
- FITS Center- Sta. Cruz, Laguna
- FITS Center- Batangas City
Best FITS Center Highlights of Accomplishments Poster
- 1st Place: FITS Center- Gen. Trias City
- 2nd Place: FITS- OPA Cavite
- 3rd Place: FITS Center- Tanauan City
Techno Gabay Program (TGP) Excellence Award
- FITS Center- Amadeo, Cavite
- FITS Center- Bacoor City
- FITS Center- Nagcarlan, Laguna
- FITS Center- San Pablo City
- FITS Center- Tanauan City
- FITS Center- San Luis, Batangas
- FITS Center- Morong, Rizal
- FITS Center- Teresa, Rizal
- FITS Center- Candelaria, Quezon
- FITS Center- Lucena City
Sa kabuuan ng TGP Summit 2023, lumahok at nagpaabot din ng mensahe ng pagsuporta sina DA-ATI CALABARZON Center Director Dr. Rolando V. Maningas, LSPU President Dr. Mario R. Briones, LSPU Siniloan Campus Director Atty. Rushid Jay S. Sancon, Laguna Provincial Agriculturist G. Marlon P. Tobias, DA-ATI CALABARZON OIC-Assistant Center Director Bb. Sherylou C. Alfaro, LSPU Vice President for Research and Development Dr. Robert C. Agatep, Siniloan Mayor Patrick Ellis Z. Go, at LSPU College of Agriculture Dean Dr. Marc Sylvester Garcia.
“Hangad po namin na ang lahat ng naririto na nagpaunlak sa aming paanyaya will serve as an indication that we’re ready to strengthen our foundation by collaborating and connecting with one another to create and advanced and stronger communities,” ani Dr. Maningas.
Nagsilbing host province ang Laguna kung saan naging katuwang ng DA-ATI CALABARZON ang Office of the Provincial Agriculturist at ang LSPU sa pag-oorganisa ng aktibidad.
Samantala, nakatakda naming idaos ang TGP Summit 2024 sa lalawigan ng Quezon.
ulat ni Archie C. Linsasagin