TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Isinagawa ng Department of Agriculture (DA)-Agricultural Training Institute-CALABARZON kasama ang Department of Agriculture RFO IVA at mga Opisina ng Panlalawigang Beterinaryo ng rehiyong CALABARZON, DA- PCC UPLB at DA-NMIS RTOC IVA ang “Regional Consultative Meeting for Livestock Program nitong ika-3 ng Nobyembre 2022 sa ATI IVA Training Hall.
Layunin ng gawain na suriin ang mga programa na isinagawa ngayong taon ng mga pangunahing ahensya tulad DA RFO IV-A at DA-ATI IV-A. Binigyan ng pokus sa nasabing pagpupulong ang mga nakalinyang programa sa taong 2023 at tukuyin ang mga pagsasanay at mga ekstensyong gawain para sa taong 2024-2026.
Inilahad ni Bb. Marian Lovella Parot mula sa DA-ATI CALABARZON at Bb. Diana Rose Alcala mula sa DA RFO IVAang mga programang naisagawa sa sa taong 2022 at mga nakalinyang programa para sa taong 2023. Kinuha din mula sa mga partner agencies ang kanilang mga kinakailangan pagsasanay mula 2024 hangang 2026.
Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng makabuluhang mensahe si OIC, TCSII/ Center Director, Dr. Rolando V. Maningas kung saan nabangit niya ang importansiya ng pagsasagawa ng akitbidad na ito. "Sa pamamagitan ng consultation na ito, we can strengthen our partnership and be ready for the years ahead. We need to be flexible and innovative lalo na ang livestock is going mainstream sa ating mga programa.And we are looking forward to more partneships and coordination under our DA umbrella. Thank you for you continued support as always."
Ulat ni: Marian Lovella Parot