TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Ang DA - Agricultural Training Institute CALABARZON sa pamamagitan ng Administrative and Finance Unit ay nagsagawa ng seminar-workshop on Public Service Ethics and Accountability noong Pebrero 8 at 9, 2023.
Ang aktibidad na ito ay nilahukan ng 40 kawani ng DA - ATI CALABARZON. Nagsilbing mga tagapagtalakay sina Bb. Melania Guanzon at Atty. Henry Pablo mula sa Civil Service Commission Regional Office 4 ng nasabing mga aktibidad. Tinalakay nila ang kahalagahan ng public service values, gaya ng Patriotism, Integrity, Excellence and Spirituality (PIES), mga responsibilidad ng mga pampublikong opisyal at empleyado sa ilalim ng “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Official and Employees,” at mga paraan upang labanan ang katiwalian.
Ang seminar ay nagbigay-daan din sa mga kalahok na magsagawa ng self-assessment, sa pamamagitan ng iba't ibang workshop at mga aktibidad na kasama. Sa pagtatapos ng seminar, binigyang-diin ng TCS II/ Center Director Rolando V. Maningas, PhD, na ang pagiging isang lingkod-bayan ay nangangailangan ng responsibilidad at pananagutan.
Sa pagtatapos ng seminar, umaasa ang pamunuan ng ahensya na ang mga empleyado nito ay ipagpapatuloy ang panindigan sa kanilang mataas na etikal na pamantayan sa paghahatid nang mahusay na mga serbisyo ng extension sa rehiyon.
Ulat ni: Julie Ann A. Tolentino