Quezon Province- Nagsagawa ang FSTP-UPLB at DA-ATI CALABARZON ng monitoring at field validation para sa Farm-Scientist Training Program (FSTP) Phase 2 sa mga lokal na pamahalaan ng Lopez at Guinayangan, Quezon. Ang programa ay pinangunahan ni Dr. Rolando V. Maningas, OIC-Training Center Superintendent II/Center Director ng DA-ATI.
Ito ay naglalayon na mabigyan ang maliliit na magsasaka ng mais ng mga pagsasanay katuwang ang mga espesyalista sa Agrikultura mula sa mga kalahok na ahensya. Ang pagpapapahusay pa ng kaalaman at kakayahan ng bawat magsasaka sa pagmamaisan at iba pang tanim sa paggamit ng tamang pamamaraan o metodolohiya sa pagsasaka ay malubos din na ipinapatupad sa programa.
Bukod dito, ang mga magsasaka ay nagkaroon ng mga pagsasanay at talakayan sa Financial Literacy na tinalakay ni Mr. Daynon Imperial ng DA-ATI CALABARZON. Nagbahagi din ng updates ang mga FSTP Coordinators ng bawat bayan at ito ay tinulungan ni Gng. Rebecca P. Tiama, ang Municipal Agriculturist ng Lopez at G. William R. Lopez Jr., ang Acting Municipal Agriculturist ng Guinayangan.
Naganap ang pagsasanay noong ika-1 hanggang 2 ng Disyembre 2022.
#aticalabarzon #ATIiNspire #FSTP