TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Isinagawa ng Agricultural Training Institute-CALABARZON kasama ang Department of Agriculture RFO IV-A at mga Opisina ng Panlalawigang Beterinaryo ng rehiyong CALABARZON ang “Livestock Regional Consultative Workshop cum Bantay ASF sa Barangay Coordination Meeting” nitong ika-22 ng Pebrero 2022 via Zoom Application.
Nilalayon ng nasabing aktibidad na magkaroon ng iisang plano at mga programa ang DA RFO IVA at ATI IVA para sa ikauunlad ng sector ng paghahayupan at upang bilang tugon din sa One DA Reform Agenda.
Sa pagbubukas ng programa, nagbigay ng napakabuluhang mensahe si CD Marites Piamonte- Cosico kung saan nabangit niya ang importansiya ng pagsasagawa ng akitbidad na ito. "Sa pamamagitan ng consultation na ito, we can iron out the difficulties we encountered last year. At the same time, mas mapagpaplanuhan natin ang pagsasakatuparan ng mga gawaing pang ekstensyon para sa taong ito. Lalo’t higit ang mga gawain that will capacitate the AEWs, bilang tugon na rin sa binitawang hamon ng ating kalihim na si Manong William Dar para sa aming ahensya. Mula sa pagiging training and extension arm of the Department of Agriculture, he wanted us to take our new role as capacity builders, putting more expertise and bringing in human capital that can continue to innovate."
Inilatag ni Dr. Jerome Causay, Regional Livestock Coordinator ng DA RFO IVA ang kanilang 2021 accomplishments at mga programa ukol sa Bantay ASF sa Barangay ngayong taon. Sa parte ng ATI IVA, iprinisinta ni Bb. Marian Lovella A. Parot ang mga accomplishment ng ATI IVA Livestock Program at ang lahat ng nakalatag na programa sa 2022. Natalakay din sa nasabi consultative ang iba’t-ibang programa para sa BABay ASF at mga istratehiya kung paano ito maisasagawa.
Sa pagtatapos ng programa, nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta at pasasalamat si Dr. Mary Grace Bustamante, Palalawigang Beterinaryo ng Laguna “Maraming salamat sa ATI IVA at RFO IVA dahil sa patuloy na pagsuporta sa sector ng paghahayupan, hiling naming na sana magtagal pa ng sampung taon pa ang ating pagsasama-sama” at Dr. Jerome Cuasay ng DA RFO IVA.
Ulat ni: Marian Lovella Parot